Pagkatapos ng ilang minuto ay mukhang napagod na ata yung umatake sa akin dahil tumigil na ito. Nang makarinig ako ng mahinang bulong. Sobrang hina pero narinig ko dahil tahimik ang paligid.

'Give me the knives'

Sounds like oppa. Is he really planning to kill me? Like what the hell! Knives?!

Naramdaman ko naman ang papalapit na bagay sa akin. Yup. I think he really does plan to kill me.

"O-oppa! Tek--*ilag* Lang!" Hindi ako makapagsalita dahil sunod-sunod ang pinagbabato nila sa akin. 

Ginawa ko ang ginawa ko kanina. Sinisipa ko ito palayo or maybe sinusuntok. Hindi yung suntok na pa-forward ah! Edi tagos sa kamay ko yung kutsilyo?

Yung pa side na suntok yung ginagawa ko. Minsan ay umiikot-iikot pa ako. Habang tumatagal, I'm getting the hang of it!

Naka-ngiti pa ko habang iniilagan ang mga ito. Maya-maya pa'y naubos na ang mga kutsilyo.

"Great job siyam." puri ni oppa

Tinanggal ko na ang blindfold ko at nag-thumbs up.

"Kyaaa~ Omygod First! You're so cool!" manghang sabi ni Lindsey

"Ang galing mo bessy! Nagawa mo pa talagang ngumiti sa huli?" natutuwang sabi ni bes

"Astig mo lang First!" puri ni Ruth 

"Wow! Elib aketch!" sabi naman ni Andrea. So pag hindi conyo, nagba-bakla talk?

"Well, I think my job here is done. Bye." sabi ni oppa at umalis na sila ng wifey niya.

"So offense attacks naman ngayon?" tanong ni bes

"Nah. Yakang-yaka ko na yun For now, magpahinga tayo tapos shopping!!" aya ko sa kanila. Yush. Shopaholic girl right here~

Tumango naman sila. Siguradong gusto rin nilang mag-malling dahil sa nakakapagod na training ngayon! Kahit ako lang naman ang napagod. Psh.

Bumalik na kami sa loob ng bahay at nagkanya-kanyang ligo. Pagkatapos ay kumain kami brunch and then konting ayos at ready to go na!

Natigilan kami nang makarinig kami ng mga katok sa pintuan. Napatingin kaming lahat sa pinto. Sino kaya yun?

"Ako na." sabi ni bes at nagpasyang pumunta sa pintuan.

Nagpatuloy na lang kaming kumain habang tinitignan ni bes kung sino yung nasa pinto. 

"Omygosh, Sixth!!" rinig kong sigaw ni bes.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon