3 kidnapped by a DEMON

1.7K 8 0
                                    

>>> ED sa side, parang hindi sya noh?

Pero sya po yan, di na sya longhair.

Atsaka yung tattoo, gusto ko mas marami pa dyan..

Kaso hirap maghanap ng fit na character para ke ED

Isipin nyo nalang na madami syang tattoo sa katawan :D

****

nagising ako sa isang madilim na kwarto, kwarto pa kaya tong matatawag, ang dumi, amoy alikabok, tapos katre pa yung hinihigaan ko .. tapos yung ilaw, isanp bumbilyang kulay pula ang sinag .. Nakakatakot dito. Lumapit ako sa pintuan at pinihit yun, kaso naka lock.

'My God! anong kelangan nila sakin?'

"Pakawalan nyo ko dito!" sigaw ko, natatakot ako, kinalampag ko yung pinto, baka kung anong gawin nila sakin, baka reypin nila ako, ayoko!

'oh God! help me!' umupo ulit ako sa katre ng biglang bumukas yung pinto, hindi ko agad nakilala yung lalaking pumasok, kasi madilim dun sa parte nya, sa bulto nya mahihinuhang malaki ang pangangatawan nya, baka isa ito sa mga nagdala sakin dito, ang papanget nila, at baka kung anong gawin nila sakin.

"si-sino ka!? Anong motibo mo sa pagkidnap sakin?" mahahalata sa boses ko ang takot, nanginginig ako..

"how was your sleep?" tanong nung baritonong boses na yun, bat parang sexy sa pandinig? at bat parang pamilyar yung boses nya? Hindi ko nga lang alam kung kanino yun.

"sino kaba ha? kailangan mo ba ng pera, ibibigay ko yun sayo, pakawalan mo lang ako!" matapang kong sabi, kahit parang tinatalo ako ng takot..

"madami na ako nun, ikaw ang kailangan ko"

"bakit ako? ni hindi nga kita kilala eh!" sino ba talaga sya?

"huh! kilala mo ko .." sabi nya.. how come? wala naman akong naging kaaway para kidnapin ako ha?

"hindi ako manghuhula! sabihin mo na kung sino ka!" bulyaw ko sakanya, narinig ko ang mahina nyang tawa

"why so feisty, my Precious?" Precious? isang tao lang tumatawag sakin nun.. Bigla akong kinabahan, ng sumalit sa isip ko ang pangalang yun..

"so now, kilala mo na ako?" tanong nya ..

"Anong kailangan mo sakin!?"

"I said, You, ikaw ang kailangan ko."

"No! Hayop ka talaga! Napakasama mo, ang kapal ng pagmumukha mo! Matapos mo kong lokohin, tapos ngayon, sasabihin mo, gusto mo kong makuha?" sarkastiko kong sabi, ang kapal talaga ng pagmumukha grrr!!

"lalabas muna ako, padadalhan kita ng pagkain, at mamaya din aalis tayo" hindi na nya ako hinintay na sumagot, umalis agad sya at pabalibag na sinerado ang pinto.

Wala akong nagawa kundi umiyak.. Hindi ko kinain yung pinadala nyang pagkain, pano pag may lason yun? arrgg!! Sa kakaiyak ko, nakatulog ako..

Naramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko, ayokong magmulat, ninanamnam ko ang init ng haplos na yun .. Na paranp pamilyar, at may hatid na suyo sa aking puso, isang tao lang naman ang nagpaparamdam sakin ng ganun eh .. Nang bigla ko syang maalala, napamulat ako ..

"huh!" Pagdilat ko, namulatan ko siya .. Bat parang iba yung kislap ng mga mata nya, yung kislap na parati kong nakikita sa mga mata nya pag magkasama kami, yung may sigla, may buhay ..

Hindi! Siguro, kasama yun sa mga panloloko nya sakin para marahuyo ako sa kanya! I swear! Pag nakatakas ako, ipakukulong ko sya!"

"Ano nanamang kailangan mo?!" Bumangon ako at umatras palayo sakanya, baka kasi anong gawin nya eh.

Bumuntong hininga muna siya, bago nagsalita.

"aalis tayo, tumayo kana dyan! Hihintayin kita sa labas, bilisan mo!" tsaka lumabas, san nanaman nya ba ako dadalhin? My God! I can't stand it anymore, hindi ko alam kung anong gagawin nya sakin..

(ang kasunod neto is yung Prologue .. nakakasabay ba kayo? So yung next chapter naman is yung kasunod na nung Prologue .. GETZ NA?)

OKAY! matalinong bata ang nakakasabay hihihi

Vote Commen :)

Craving for Carnal PleasureWhere stories live. Discover now