1 being a Superstar

2.2K 11 0
                                    

eto na po ..

>>>> Anika sa side :}

****

"take 1!" sigaw ng director

"Manuel please wag mo kaming iwan ng anak mo, we need you." umiiyak kong sabi sa leading man ko na si Jonathan Marasigan, isa sa mga magagaling na actor ng bansa.

"I'm sory Lexi, but its over, maghiwalay nalang tayo, dadalawin ko nalang ang mga bata ng madalas" then he walked, leaving me crying

"Manuel! Don't do this to me!" sigaw ko, halos magmakaawa ako.

Ang title ng movie namin is The Wife and The Mistress, ang gaganap na Mistress ay si Amanda Ricaforte, isa ding sikat na actress ng bansa ..

"okay cut!" putol ng director "good job Anika and Jonathan, sige let's have a break" isa-isa kaming nag alisan sa shooting na yun, pumunta ako ng dressing room.

"Jen, where's my phone?" agad na tanong ko sa PA ko. Agad naman nyang binigay.

"Anika, si Evandro tawag ng tawag, hindi ko sinagot, baka sigawan ako eh" tsk tsk! tamo, pati PA ko takot sakanya.

Boyfriend ko si Evandro, 1 month palang syang nanliligaw, sinagot ko na, mahal ko sya eh kahit misteryo ang pagkatao nya sakin .. Nakilala ko sya sa isang Bar, na love at first ako sakanya eh, lalo pa't nung nanligaw sya, agad kong sinagot. Napakaseloso nya, at mainitin ang ulo. Kaya iniiwasan kong gumawa ng ayaw nya dahil narin sa ugali nya, kung di ko lang sya mahal!

RIIIIIING!!! patay si Evandro tumatawag huhu

"H-hello babe?" nag aalangan kong sabi.

"Bakit ba hindi mo sinasagot yung tawag ko ha!" patay! Nagburst out na.

"b-babe kasi, nasa shooting ako" malumanay kong sagot, ayokong salubungin ang galit nya ..

"Susunduin kita." agad nyang binaba yung phone, kaya naman wala akong choice kundi sumama sakanya, may lakad pa naman kami ngayong ng mga katrabaho ko sa pelikula.

"Jen, pakisabi nalang kina Jonathan na di ako makakasam sakanila, kasi si Evandro kasi, susunduin ako" alam na ni Jen kung anong irireason sa ganitong bagay, secret kasi yung relasyon namin ni Evandro eh.

"Ah sige Anika, akong bahala" Nagbihis na ako, isang simpleng casual dress, hindi masyadong revealing, baka kasi magalit nanaman si Evandro pag nagsuot ako ng masyadong sexy .. Nagsuot narin ako ng shade, bago lumabas sa may backdoor, ayokong magpabisto..

Naglakad ako at nakalabas ako sa highway, medyo malayo na yung lugar kung san kami nagshooting, agad kong namataan ang kotse ni Evandro na nakaparada.. Nakasandig sya may pinto, anyong may hinihintay. Ang gwapo talaga nya at ang macho pa, walang panama ang mga sikat na actor at model na nakilala ko sa kakisigan nya ..

Matangkad na, gwapo na, macho na, at hot pa hahaha. Nakasampay sa balikat nya ang itim na leather jacket. itim din ang tshirt nyang suot, kitang kita yung tatoo nya sa braso, jeans na binagayan nya ng Converse rubber shoes .. Kung titingnan, he looks like a rockstar.

Namataan nya akong palapit sakanya, agad naman syang lumapit sakin at inakbayan ako, at inakay sa kotse .. Pumasok ako sa kotse nya, at lumigid sya papunta sa drive's seat .. Nagsimula na syang magdrive.

"san tayo kakain babe?" tanong ko sakanya, habang nagdadrive sya..

"in your condo, ipagluto mo ko" Napangiti nalang ako, kung makautos haha!

"okay babe" sabi ko nalang, mas mabuti nga yun eh, kakain kami ng luto ko, well I love cooking :)

Katahimikan ..

Craving for Carnal PleasureWhere stories live. Discover now