LWMSL Chappy 2

8K 57 0
                                    

Zara Andres


" Zara anak nasa labas na ang
tatay mo para ihatid ka sa school " pagsigaw ni nanay mula sa labas ng kwarto, sinuklay ko pa ng husto yung buhok ko at inayos ko ng maigi ang aking uniporme, this is the last yr na magagamit ko na 'to. I'm 4th yr college at sa paparating ay magiging isang flight attendant na ako, and finally maiiahon kuna ang pamilya ko sa hirap.

 

" tara na nay tapos na po ako " sinalubong ako ni nanay ng may kakaibang ngiti, feeling ko tuloy ay may mali sa aking itsura dahil sa mga ngiti ni nanay. may dumi ba ako sa mukha? pinunasan ko iyon at balak pang bumalik sa may salaminan.


" oh saan ka na naman pupunta anak? " pagpipigil ni nanay sa akin.


" eh kasi naman nay yung mga tingin at ngiti nyo parang may something ako sa mukha " mahiya hiya kong sagot.

" hindi anak, " lumapit sa akin si nanay at hinaplos ang aking buhok " nagagandahan lang kasi ako saiyo anak, sobrang ganda mo anak at nagpapasalamat kami ng ama mo na hindi ka nagaya sa mga ate mo- - " nahinto kami sa pag uusap ng pumasok si ate zendy.

" oh Zara sakto naman na aalis ka, bilhan mo ng gatas yung anak ko babayaran nalang kita kapag nakasahod na si Mildo " ani ni ate.


" diba kakabili lang ng kapatid mo noon ng gatas ni princess? aba anak Zendy baka naman maubos yung allowance ng kapatid m- - "


" eh sa naubos na nga nay eh? magpapabili ba ako sakanya kung hindi pa? iniisip nyo yung allowance ni Zara pero yung kalagayan ng anak ko yung apo nyo ay parang mas mahalaga pa pala yang allowance na yan kesa sa kalagayan ng anak kong magugutom? "


" ate ano ba, hindi sa ganoon 'yon" napabuntong hininga na lamang ako " sige na bibilhan ko si Zenny ng gatas sige na kahit na huwag mo ng bayaran "


" wow, ang yabang mo din no? " lumapit sa akin si ate at tumawa ng may pait " huwag kang mag aalala babayaran ko, anong akala nyo sa akin kapos na kapos sa buhay? may pera ako wala lang akong oras pang makaalis ng bahay dahil busy nga ako sa dahilan ng pagiging pariwara ko " nagulat ako sa sinabi ni ate, bakas sa mga mata nito na kahit ano pang pilit nyang mag tunog matapang ay nangingilid na ang mga luha nito.

 
" Zendy ano bang pinagsasabi mo ha! " nabigla kami ni ate sa biglaang pagsigaw ni nanay.


" ate hindi namin yon pinupunto ano bang pinagsasabi mo? " mas mahinahon kong pakikipag usap.

" talaga eh kakarinig ko lang, nanggaling pa sa bibig ng pinakamamahal kong ina na proud na proud sya sa achiever na gaya mo at hindi ka nagaya sa mga pariwara mong ate, ang galing diba? sana si Zara nalang yung anak nyo at hindi nyo na kami niluwal kasi naman ang tinuturing nyong anak nyo lang mula noon pa man ay si Zara " akmang sasampalin na ni nanay si ate pero mas unang lumapat ang aking palad sakanyang mukha. hindi ko napigilan dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko.

" wala kang karapatang isumbat ang lahat ng nangyayari sainyo kay nanay, dahil una palang  pinupuno nya kayo ng pangaral pero anong ginagawa nyo? tumatakas kayo. kesa mag aral ang atupagin mo ay mas inuna mo pa yang kakatihan mo - - " nabigla ako ng lumapat ang kamay ni ate Zendy sa akin


dahil sa pagkakabigla ay nahablot ko yung buhok nya at natuloy kami sa pag sasabunutan, puro sigaw ni nanay ang naririnig namin hanggang sa may nagkalayo nalang kami ni ate sa isa't isa.


" ano ba kayo ha!? ang tatanda na ninyo at nag aaway pa kayo " mahinahon pero may halong inis na ani ni tatay.

" pwes itanong nyo dyan sa magaling nyong anak " nagdabog palabas si ate, at ako naman ay napaakap kay nanay sinuklay na lamang nito ang aking buhok na guluhan.

---


maaga akong nagising para masahaman si nanay mamili ng mga maluluto para sa parating na bday ni tatay. pagpasok namin sa malaking palengke rito sa lugar namin ay bumungad samin ang dami ng tao, sabay din kasi ng kaarawan ni tatay ang kapistahan sa amin.

una naming tinungo ay ang bilihan ng mga karne. " ay napakaganda talaga ng anak mo suki, pwedeng maging beauty queen ano? " pagpupuri ng binibilhan namin sa akin, nakaramdam ako ng hiya dahil may pagkamalakas ang boses nito at lahat sila ay nakatingin sa akin.

" lam mo yan suki syempre may pinagmanahan " at nagtawanan na sila, habang ako ay punong puno ng hiya. nagpaalam lamang ako na may bibilhing project para sa school.

" osige basta agahan mong bumalik "


naglakad lakad ako hanggang sa nakarating ako sa mga bilihan ng dirty ice cream, naalala ko tuloy yung kabataan ko nung lagi kaming natakas ng kaibigan kong si bokchoy para lang bumili nitong dirty ice cream.

" gusto ko paglaki natin zaza mag kakaroon tayo ng business na ganto "

" ha paano naman yon bokchoy "

" edi papabili  ako kay Daddy ng madaming nagtitinda ng ganto "

" hala sige gusto ko yan bokchoy para lagi din tayong makakakain ng ganto"


nakakamiss si bokchoy, musta na kaya sya? simula ng kinuha sya ng daddy nya ay hindi na muli itong napadpad sa probinsya namin, ano na kayang lagay nya sa buhay? mataba padin kaya sya? madaldal at nakakatawa padin kaya sya? naalala pa kaya nya ako?

" ah miss ganda anong sainyo po? "

" kuya sa may cone po "

habang papalapit ako sa may palengke ay bigla ako nabangga ng dalawang lalaki.

" ay shit I'm sorry miss " nagpagpag ako ng suot ko jeans.

napatingin ako sa lalaking nakabunggo sakin nakablack shades ito, masasabi kong gwapo ito. maganda ang tindig, may maipagmamalaking height. maputi din ito at mapula pula ang labi, nahiya tuloy ako dahil mas malaporselana ang kutis nya kesa sa aking babae.

" ayos lang, pasensya nadin- - "


" wait, ikaw si Zara? tama ba ako ikaw si Zara " paano nya ako nakilala? sa pagkakatanda ko ngayon ko lamang syang nakita sa tana ng buhay ko.

" ah hindi po, mauna na ako " mas pinili ko na lamang ang magsinunggaling, " pasensya nga pala ulit " madali akong nagbalik sa palengke upang hanapin si nanay.

---


" hey dude, finally the long wait is over. I finally found Zara, she says she's not Zara. yeah ah huh, no maybe she's afraid to tell her real identity to others, okay then. see you "

Living With My Sex Lord | OnGoing |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon