Prologue

17 1 0
                                        

Minahal ko ang sining... halintulad sa kung paanong sa bawat piyesang isinulat ko sa musika, ay siya ang tanging laman.

Minahal ko ang sining. Ngunit, kinasuklaman ko rin ito...

Gaya ng kung paanong ang mga bagay na minahal ko sa kaniya, ang siya ring mga bagay na hindi ko na kinayang sikmurain pa.

Teatro ang pangarap ko.

Hanggang sa naging sa siya ang pinangarap ko.

Saksi ang teatro sa kung paanong sumibol ang isang, inakala kong pag-iibigang hanggang dulo...

Ngunit, teatro rin ang naging mata... ng mga bagay na naging mitsa upang kami ay magwakas.

Mahal ko ang teatro.

Minahal ko siya.

"Theater is not just all about him, Sap. This has been your long time dream... This has always been the dream..." Rinig kong saad ni Ichan, ang best friend kong naging witness at sandigan ko sa lahat.
"Wala na ang puso ko sa sining, Ichan." Tinangay na niya, at hindi na ibinalik pa.

Kailan ko pa ba makukuhang muli ang ninakaw mo sa akin, Ethan Rafael Calaia?

When will I be able to see behind the waves of your curtains?

Waves of Theater CurtainsStories to obsess over. Discover now