"Pare, ako ang magiging tulay mo para maging isa kang ama! At dahil sa connection ko, masisiguro ko sa'yo na makukuha mo ang anak mo ng walang aberya."
"Arrrggghhh! Okay. Fine. Ibibigay ko. Pero pag nakuha ko yung anak ko. Saka ko ibibigay sa'yo."
"Deal."
"Fine. Pero siguruhin mo lang yan, Eoin. Pag may naging aberya dyan, ikaw ang una kong gugulpihin." banta ko pa dito.
Tumawa lang ito. "Oo na. Oh aalis na ako. May duty pa ako. Tawagan mo na lang ako." at umalis na ito.
Napaupo ako sa swivel chair ko. Sisingilin ko talaga yan si Eoin sa binyagan! Napatingin ako sa folder. Binuksan ko at inisa-isang tignan ang mga babae.
"Hmm...okay naman ito..." tukoy ko sa unang babae na nakita ko. Binasa ko ang family background. "Ayy may history ng sakit sa pamilya...baka mamana ng anak ko ito. Okay, out." at nilagay ko na sa pinakadulo. Tinignan ko muna lahat. Binilang ko. Nakita ko na nasa may tatlumpu din ang bilang.
Madami din.
"Aayusin ko muna yung trabaho ko. Tapos gagawin ko na kahit palima lima muna sa isang araw. Para matapos ko ito."
At binalikan ko muna ang trabaho ko. Hindi ko alam pero ginanahan ako na magtrabaho.
Para sa kumpanya!
Para sa future ng anak ko!
Neo for President!
"Nak ng! Presidente na ako ng kumpanya ko. Nahahawa na ako sa kabaliwan ng mga yun. Focus! Focus Neo! Wag kang magpadala sa kasiraan ng ulo ng mga yun!" at sa pagkakataong ito ay tinuloy ko na talaga ang trabaho ko.
-------
"Cheers!" sabay nilang sabi at ininom ang mga whisky nila. Naki kampay lang ako sa kanila. Tulad ng dati, nandito kami sa bar ni Kaleb. Nasa may isang sulok kami. Isang eleganteng crescent style na sofa ang upuan namin. Isang glass na table naman ang nasa gitna namin. May isang waiter din na malapit sa amin. Actually, para siyang VIP corner. Walang nakakalapit sa amin dahil may mga bouncer sa baba.
"Oh Pare, di ka iinom?" -Dunk.
Umiling ako. "Hindi Pare." sabi ko. Nakita ko naman na lahat sila ay napamaang sa akin. Nilagay naman ni Erskin ang palad niya sa noo ko at ang isa naman ay sa noo nito.
"Normal naman." -Erskin. Tinanggal ko ang kamay nito sa noo ko.
YOU ARE READING
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...
Finding five
Start from the beginning
