Love # 43: Story

318 6 0
                                    

[STACIE JAIDE YOUNG'S POV]

Nagtatampisaw kaming mga babae sa may dalampasigan ng tawagin ni Crystal si Mark.

Lumingon ako at nakita ko naman na tumayo ito at tumakbo papunta sa kinaroroonan namin.

Once he's already beside me, tiningnan ko s'ya and he did the same, not taking his eyes away from me.

Tinitigan lamang n'ya ako and I felt uncomfortable with it.

"M-may dumi ba ako sa mukha?" I asked as I wipe my face with my hands.

Umiling naman s'ya at ngumiti, "Have you ever been this beautiful?" tanong n'ya making the other girls squeal in delight.

Tiningnan ko naman sila para sawayin sila, pero di sila nagpa-awat.

"Kainis! Ang alat ng dahat pero bakit parang tumatamis yata." pang-aasar ni Ria.

"Sinabi mo pa." pag-sang ayon ni ate Amie.

"Girls!" suway ko sa kanila at tiningnan ko naman si Mark na tahimik lang na nakatayo sa tabihan ko. "Pag-pasensyahan mo na sila ha." sabi ko sa kanya.

"I don't mind..." sabi n'ya.

He seems different today, is it because malayo kami kay Vina ngayon kay s'ya nagkakaganito?

"Maiwan na muna namin kayong dalawa ha." biglang sabi ni ate Amie, "Kayong dalawa naman yung bida sa music video eh." dugtong pa nito.

"Teka lang guys--" pero naglakad na silang palayo.

I looked from behind me at nakita si Kevin na papalapit sa amin.

I was about to smile in relief, pero bigla akong napasimangot ng bigla itong lumiko at nakisali sa mga naglalaro.

Seriously?!

Ewan ko, I don't want to be left alone ng si Mark lang ang kasama.

"Stacie." nagsalita si Mark so I turned to him, making sure I don't look like I'm uncomfortable with him.

Kasalanan 'to nung pictures eh. Nakakainis.

Dati naman, okay lang na maiwan kaming dalawa ni Mark, ngayon naiilang ako sa tuwing malapit s'ya.

"Yes?" tanong ko sa kanya and I smiled.

"Can I--" humawak s'ya sa batok n'ya at tsaka tumungo. "Err... nevermind." sabi n'ya at tsaka tumalikod.

Napakagat ako sa labi ko, nagiguilty ako eh, parang naramdaman n'ya ata yung pagka-ilang ko sa kanya.

"Ahmm, want me to show you around the island?" tanong ko sa kanya na dahilan ng paglingon n'ya sa akin.

"Are you sure?" tanong n'ya sa akin.

"Yeah." sabi ko.

Tumango naman s'ya at tsaka kami naglakad pabalik sa rest house.

"Welcome to YCI. Young Cabi Island, bihira lang ang guest na nakakapunta dito since this is a private island ng pamilya Young." sabi ko sa kanya.

"That's obvious." sagot naman n'ya making the both of us laugh.

"Well, once a week, may pumupunta na staffs dito to maintain the cleanliness and beauty of the island." sabi ko habang naglalakad kami sa may pathway. "Maraming rest house dito sa island na 'to, lolo Ryoma's favorite is the 'Casa Bianca' house." sabi ko at itinuro ko ang isang puting rest house na malapit sa "Belle Vue".

A Taste of Love [YWFF Book 2 - Stacie's Story]Where stories live. Discover now