*vibrate*

EZEKIEL: I'm sorry...

Matagal kong tinitigan yung message niyang 'yon at bigla nanamang tumulo ang luha ko

JULIENNE: Okay lang :) nangyari na tsaka wala naman ng magagawa yung sorry mo :)

EZEKIEL: No. Hindi okay.

Hindi na ako nagreply kasi baka mamaya konting lambing nanaman niya sakin ay bumigay nanaman ako. Ayoko na. Di ko na talaga siya bibigyan ng chance.

May naririnig akong kumakanta sa labas. Epal ni kuya eh napaka ano nakikisabay pa talaga ngayon.

"Kahit kailan 'di kita iiwan...."

"Kahit kailan 'di kita pababayaan kahit kailan.... Kahit kailan...."

Nagsimula nanamang tumulo ang mga luha ko. Punyeta kasi. Kinanta niya yan sakin dati eh haha. Di pala ako iiwan ha? Loyal pala siya ha? Ina. Yan na pala ang loyal ngayon :) nakikipaglandian sa ibang babae. Pucha. EDI SIGE MAGSAMA SILA NUNG HIPON NA YON PUNYETA. Ganto lang naman kasi nangyari....

*flashback*

"Babe. CR lang ako saglit ha." sabi sakin ni Ezekiel.

"Okay." Wala akong magawa kaya kinuha ko yung phone niya. Pumunta ako sa messages kasi trip kong itext yung sarili ko hahahaha. Tapos may nakita akong di kanais nais. Inopen ko yung convo na yun tapos nung nabasa ko bigla nalang tumulo ang mga luha ko.

Sheena: Ang sakit ng ulo ko :(((

Ezekiel: Ayan kasi, sabi ko naman kasi sayo wag kang mag maligo sa ulan eh. Magpahinga ka nalang. Kain ka muna tsaka uminom ka ng gamot tapos pahinga ka na kasi papakasalan pa po kita. I love you by :*

Sheena: Yieee haha opo boss. I love you too.

Di ko na tinapos yung convo nila kasi baka lalo lang akong masaktan. Pang ilang beses na to. Pero tahimik lang ako habang tulo ng tulo yung luha ko. Hinintay kong lumabas si Ezekiel galing CR. Nagulat siya dahil bigla ko nalang siyang sinampal

"B-bakit? Bakit Ezekiel? Hindi pa ba ako sapat?" tanong ko sakanya habang tulo ng tulo ang mga luha ko "Hindi pa ba sapat yung p-pagmamahal ko? A-ano bang kulang sakin? Bakit yung bestfriend ko pa dati yung pinatulan mo? Hindi ka na ba masaya sakin? Nagkulang ba ako? Anong meron siya na wala ako? Ha? Kingina" tuloy tuloy kong tanong sakanya habang umiiyak parin. Hindi ko na kaya yung sakit kaya aalis nalang ako. Pero hinabol niya ako at bigla niya akong hinawakan sa wrist ko.

"Babe... I'm sorry" sabi niya sabay yuko "Yeah. I know I'm a jerk. Pero babe, crush ko lang naman yun eh."

"CRUSH? PERO BY YUNG TAWAGAN?! ABA PUNYETA. SINO BANG NILOLOKO MO? OO NAGPAKATANGA AKO SAYO NG ILANG BESES PERO NGAYON DI MO NA KO MAUUTO. KINGINA KA MERON BANG GANON? CRUSH MO LANG SIYA PERO NAG ILOVEYOU-HAN KAYO?! PUNYETA!" sigaw ko sakanya.

"Hindi mo kasi naiintindihan..."

"What? Ano ba ang hindi ko naiintindihan? Ha? Sabihin mo nga sakin Ezekiel"

"Nagselos kasi ako sainyo ni Paul."

"What? We are just friends. Alam mo namang ikaw yung mahal ko diba? Bakit magseselos ka pa? At kung magselos ka man kelangan bang maghanap ka ng kalandian? Pathetic jerk." Hindi siya sumagot

"Damn. I HATE YOU EZEKIEL!" yayakapin na sana niya ako pero tinulak ko na siya palayo.

"I'm really sorry."

"May magagawa pa ba yang sorry mo? Mawawala ba yung sakit at galit dito sa puso ko sa isang sorry mo? Ha?" ayan nagsisimula nanamang tumulo ang mga luha ko.

"Hindi...." sambit niya "Please stop crying. Ayokong nakikita kang umiiyak. Nanghihina ako"

"Ikaw naman yung dahilan kung bakit ako umiiyak eh. A-akala ko ba loyal ka ha? Y-you promised na hindi mo ko lolokohin.. Y-you promised to me na hinding hindi mo ko ipagpapalit.. Na ako lang yung mahal mo at mamahalin mo... But why? Pano mo nagawa sakin to? Minahal naman kita ng tapat ah? Pero bakit ganto pa yung nangyari sakin?" niyakap na niya ako pero hindi ko siya niyakap pabalik. Iyak lang ako ng iyak "Sa 8 months na naging tayo nagpakaloyal ako, minahal kita ng tapat at totoo. Ikaw yung una kong naging boyfriend kasi akala ko iba ka, kasi akala ko hindi ka katulad ng ibang lalake jan, kasi akala ko hindi mo ko sasaktan... kaso akala ko lang pala yon"

"Hindi ka nagkulang, Julienne. You are the perfect girl for me. I'm really sorry for being a jerk, babe. Hindi na talaga kita sasaktan. Just please give me a chance okay lang kahit last chance." he said then he kissed my forehead.

UTAK: Julienne huwag kang maniniwala sakanya. Lolokohin ka lang ulit niyan. Hindi ka niya talaga mahal. Pampalipas oras ka lang niyan. Madami yang babae, hindi mo lang alam

PUSO: Bigyan mo na siya ng last chance, Julienne. Malay mo naman magbabago na siya para sayo diba? Huwag kang makikinig sa utak mo kasi epal 'yan. Sakin ka dapat makinig.

PUNYETA! NAGUGULUHAN AKO. EPAL NA UTAK AT PUSO TO. DI AKO MAKAPAGDECIDE.

"Bigyan mo muna ko ng ilang araw para mag-isip kung bibigyan pa ba kita ng chance. Sobrang sakit kasi eh. Pang ilan na to, Ezekiel. Nakakasawa rin pag paulit ulit"

"Alright. I'm so sorry. I'll wait for the right time na mapatawad mo ulit ako, Julienne. Iloveyou"

"Mapapatawad pa naman siguro kita pero wag mo asahang mahal pa rin kita."

*end of flashback*

"DAMN EZEKIEL MERCADO. PINAPASAKIT MO YUNG ULO KO.... LALO NA YUNG PUSO KO..." huminga ako ng malalim at niyakap yung teddy bear na malaki eto yung binigay niya nung 5th monthsary namin. Hays. Yung mga panahong ang sweet namin. Yung masaya kami. Nagkakaron nga ng problema pero nalulutas naman. Kasi nga lagi kong binibigyan ng second chance. Lagi kong sinasabing "okay lang" kahit hindi naman talaga. Minsan pinapalabas ko na masaya ako pero ang totoo niyan hindi talaga ako masaya. Ayokong nakikita ng mga tao ang weakness ko.

I don't really know what to do. Pagod na pagod na ako lalo na ang puso ko... He always promised me na ako lang ang babaeng mamahalin niya. Well I guess tama nga sila promises are meant to be broken. 

-----------
Hi again hahahaha sinipag nanaman ako mag type. Sana tuloy tuloy na to. Thankyou for reading. Votes and comments are really appreciated xx

-imnotyourqueen

Broken PromisesWhere stories live. Discover now