♡I Wish (ONE SHOT)♡

3 0 0
                                    

(Its my first time na gumawa ng story na ang POV ay lalaki kaya sana maganda kalabasan!!!)

Cast:
Chiron as Daniel Padilla
Tasha as Kathryn Bernardo
Marco as Diego Loyzaga

Chiron's POV

(A/N: Chiron is pronounced as "Kay-Ron". Thankies!)

Nasaan na naman ba ako? Ah. At the usual place. Dahil eto nanamang araw na 'to, dumating nanaman.

One year na pala.. one year na pala ang nagdaan pero wala pa rin nagbabago. Lalo na sa nararamdaman ko para sa'yo.

》FLASHBACK《

"Pare, may sasabihin ako sa'yo." sabi ni Marco.

"Ano 'yon? Buti nalang nagkita tayo ngayon. May sasabihin din sana ako." sabi ko.

Si Marco ang utol ko. Hindi ko rin alam kung paano nangyari 'yon kasi magkaiba talaga kami. Goodboy type ako at playboy naman sya. Pero kahit na ganon, nakakabakla mang aminin, may best utol ako at 'yon ay si Marco.

Sasabihin ko lang naman sakanya na for the first time in my life, nagdesisyon na akong manligaw. At sa iisang babae lang. Si Tasha Saavedra.

"Sino mauuna? Ikaw na muna?"

"Ikaw na nahiya ka pa eh!" sabi ko na may kasamang pabirong suntok. Ganito naman kami lagi mag-usap eh. Saka makapaghihintay naman yung tungkol kay Tasha.

"Oh sige hahaha. Kasi pare... ano eh. Kasi si...", walangya, kelan pa 'to nautal?

"'Pag hindi ka pa nagsalita, babangasan na kita kahit bespren pa kita." pabiro kong sabi.

"Pano ko ba kasi 'to sisimulan? Tsk. Ano... K-Kasi pare balak ko sanang ligawan si... Tasha. Balak ko nga sana magpatulong sayo."

...wow

Sa akin pa talaga?

Tangina, ganito pala. Ganito pala masaktan.

Gago ka ba Chiron? Malamang masasaktan ka at malamang sayo magpapatulong, ikaw bestfriend eh.


"Ano? Wala ka man lang reaction? Sinsabi ko na nga ba masamang ideya 'to eh! 'Wag na--"

"N-No, I w-will help you."

And that was the biggest mistake I ever made.

Pain and regrets.

》END OF FLASHBACK《

Pagtapos na araw na 'yon, nag-iba ako. Kung dati, good boy type ako, naging badboy na. Kung dati, medyo mabait at palakaibigan ako, mas naging masungit at suplado na ako kahit na kanino. Pero nagawa ko lang naman yun dahil ang totoo, nasasaktan na ako ng sobra sa loob looban ko.

May isang beses na may naglakas loob na magsabi sakin na, "Chiron, alam mo ba na ikaw talaga ang gusto ni Tasha? Hindi si Marco. H'wag kang maingay ah? Ang torpe mo rin kasi e. Ayan tuloy, naunahan ka pa."


Pero kahit na maraming nagsasabi na ganon, wala pa rin akong ginawa.


Kahit na sinasabi na ng iba na mag-first move na ako, wala pa rin akong ginawa. Bakit?



Unang-una, dahil natatakot ako.
Pangalawa, ayokong gumawa ng move hangga't hindi pa mismo sakanya nanggagaling.
Pangatlo, lahat naman tayo ay alam na halos lahat ng tao ay takot sa pvtangnang rejection na 'yan. And I'm not an exception.
At ang huli, ayaw kong masira ang friendship namin ni Marco.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Wish (ONE SHOT)Where stories live. Discover now