After all Comes a Happy Ending (One Shot)

16 2 0
                                        

Ang mga teen agers ngayon, talagang madalas na mainlove. Lalo na pag buhay single, crush dito, crush doon. Tapos BH dito, BH doon, kapag nakikita yung crush nilang may kasama. *BH- Broken Hearted* So, please take time to read my first story. I'm sure many can relate. Enjoooooy!

Si Dinnah, isang Sophomore sa isang private school sa Manila, at tulad ng mga ibang kababaihan, siya ay madala din mainlove. Pero merong isang *Guy* na sobrng inlove na inlove siya. At siya naman si Adrianne. Madalas naman silang magusap, Kaso nga lang napaka *awkward* ng feeling ni Dinnah, Kaya ay mas madalas silang  magusap sa chat.

Nang makauwi ng bahay si Dinnah noong Friday, ay nag online siya agad sa kanyang Facebook account. Laking gulat niya ng biglang nag-message sa kaniya si Adrianne.

*Conversation:

Adrianne : Hey!

(Sa simpleng "hey" lang ni Adrianne ay kinilig na agad si Dinnah)

Dinnah: Oyy! Bakit?

Adrianne: Wala lang naman. HAha! Bored lang talaga, gusto lang ng kausap. Pwede ka ba?

Dinnah : Oo naman!

(^^ Why not? Ikaw pa!)

Adrianne : Gusto mo ba malaman kung sino yung crush ko?

Dinnah : (Medyo kinilig at kinabahan dahil baka sabihin na ni Adrianne ang totoo, pero niready na din ni Dinnah ang saili niya na baka masaktan lang siya.)

Dinnah: O sige.

Adrianne : Uhhm, Clue: Nagsisimula sa....

Dinnah : SAAN? (Nagdadasal na sana letter 'D')

Adrianne: C!

Dinnah : Ahh, parang kilala ko na! (Namamatay na deep inside sa sakit. :(()

Adrianne : Sino? Sige nga!

Dinnah : Si Cathrina?

Adrianne : Oo! Nadali mo teh!

Dinnah : Haha! Galing ko talaga! (BH na BH na)

Adrianne : Pero alam mo, may isa pa kong crush, at mas gusto ko siya kesa kay Cathrina. Sa totoo lang, nagagandahan lang naman ako kay Cathrina eh.

Dinnah : Ahhh ganun ba? Eh sino  naman yung isa? (Medyo nagkapag-asa.)

Adrianne : Ahhhmmm, Secret na muna, next time ko na sasabihin sayo.

Dinnah : SIge. :)

Adrianne : Aamin lang ako sa babe na yun sa gitna ng ulan, Yayakapin ko siya!

Dinnah : Ahhh. Nice! Haha! Push mo lang yan! (BH again.)

*End of Conversation

"Di ko alam na masasaktan lang ako sa pinagusapan namin, Sana di ko na lang siya kinausap. :(" Sa loob loob ni Dinnah.

Pagdating ng Monday, ay pumasok ng maaga si Dinnah. Dahil Intrams ng school nila. Nageenjoy na sana si Dinnah kasama ang mga friends nia nang makita nia si Adrianne, atmagkasama sila ni Cathrina. "Siguro ay nagtapat na siya kay Cathrina, pero hindi naman umuulan! At saka hindi naman siya yung gusto talaga ni Adrianne eh. Hay naku! Hayaan mo na nga siya! :'(" , sa loob loob ni Dinnah. Haayy naku, Monday na monday ay BH na naman si Dinnah. At dahil dun ay nagbago na ang mood ni Dinnah. Umuwi siya agad ng maaga nong araw na yun.

"Nakakainis! Bwisit! Bakit ba kasi siya pa yung nagustuhan ko! Bwisit! Araw araw na lang nasasaktan ako pag nakikita ko siya! Bakit siya pa!" Sigaw ni Dinnah sa loob ng kanyang kwarto nang siya ay makauwi. "Siguro nga, dapat maghanap ako ng ibang lalaki na pwede kong magustuhan, wag lang si Adrianne!"

Kinabukasan ay nagsimula ng obserbahan ni DInnah ang lahat ng mga lalaki sa Campus, at may nakita nga siyang Gwapong lalaki na magaling sumayaw. Ang pangalan nito ay Jeric. Naku! Inlove na nga ata si Dinnah kay Jeric, Pero natatamaan pa din siya pag nakikita niya si Adrianne.

"Yun na nga eh, Crush ko na nga din si Jeric, pero nasasaktan pa din ako pag nakikita ko si Adrianne! " sabi niya sa sarili. Napapaluha na lang si Dinnah.

Maya maya ay biglang umulan ng malakas. Naalala ni Dinnah yung sinabi ni Adrianne sa kanya na "Aamin lang ako sa babe na yun sa gitna ng ulan, Yayakapin ko siya!" At dahil dun ay napagdesisyonan ni Dinnah na mag stay muna sa labas ng classroom at abangan ang gagawin ni Adrianne. Maya maya pa ay nakita na niya si Adrianne, naglalakad sa gitna ng Ulan, si Dinnah ay nasa hallway. Tumigil si Adrianne sa gitna at basang basa na siya ng ulan. Napatulala na lang si Dinnah at hindi na namamalayan ang mga nangyayari sa campus. Siguro dahil ito sa sobrang pagka-BH niya. Napaupo na lang si DInnah sa isang upuan.

Nagulat na lang si Dinnah nang biglang may tumakip sa kanyang mata at hinatak siya papunta sa kalagitnaan ng ulan.

"Ano ba? bitawan mo nga ako! Nababasa ako ng ulan! Sino ka ba? Alisin mo nga ang kamay mo sa mata ko! " Galit na pagkasabi ni Dinnah.

Bigla naman nitong tinanggal ang kamay niya sa mata ni Dinnah at niyakap siya nang mahigpit. "I love you Dinnah!"

"Huh? Adrianne?" sabi ni Dinnah. "Oo. Si Adrianne to. I LOVE YOU! Sana maging akin ka na, Ikaw ang babaeng gustong gusto ko noon pa man." sabi ni Adrianne. "Wait lang nga! Wag tayo sa gitna ng ulan, please? " Dinnah. "Ayko nga, yayakapin lang kita. " Adrianne. "Bahala ka, di kita sasagutin." Dinnah. "O sige na nga, basta sasagutin mo na ko ha?" Adrianne. "......" Dinnah. "Ha?" Adrianne. "O sige na nga!" Dinnah.

Nagpunta sila sa hallway, at sinagot na ni DInnah si Adrianne. Syempre sasagutin niya yan noh! Si Dinnah pa!

"I LOVE YOU DINAH!!!!" sigaw ni Adrianne. "Letse ka! Wag ka na sumigaw!" Dinnah. "Buti pa ay umuwi ka na at uuwi na din ako, para makapagpalit tayo ng damit, tapos  punta tayo sa pinakamalapit na mall, at magdate tayo!" Dinnah. "O sige! I LOVE YOU! " Adrianne. "Cgeh Bye!" Dinnah. "wala man lang bang I LOVE YOU TOO?" Adrianne. "Oo na! I love you too!" DInnah.

"After all comes a happy ending." Matapos ang lahat ng sakit ni Dinnah kay Adrianne ay Napalitan naman ito ng isang HAPPY ENDING. Nagbunga din naman pala ang lahat ng sakit na naramdaman. Wag po tayong susuko agad, malay mo, MALAY MO LANG NAMAN, may happy ending ka din! :)

Thanks for reading my first story! Hope you enjoyed it! Please don't forget to vote and leave a comment! Sorry kung medyo corny pa yung story ko. First ko pa lang kasi yan eh! Pero thank you na din sa pagbabasa! Muah! Thank you again! Please vote!

After all Comes a Happy Ending (One Shot)Where stories live. Discover now