19. Mood swings

134 2 0
                                    

19

Minsan may mga bagay na dumarating sa buhay natin na hindi natin inaasahan. Tulad na lang ng mga nangyari sa buhay ko. Dati, simple lang naman ang pangarap ko, ang maging isang sikat na modelo at makatapos ng pag-aaral. Ngayon, wala na kong mahihiling pa. Kahit hindi natuloy ang pangarap ko, sapat na sakin ang mabiyayaan ng taong magmamahal sa akin na hindi lubusang naibigay ng aking mga magulang.

Pinagtagpo man kami sa hindi inaasahang pagkakataon pero masaya ako na ibinigay siya ng Diyos sa akin sa panahong kailangan ko siya. Blessing talaga sya para sakin.

Napabuntong-hininga na lang ako. Ano kayang mangyayari pagpunta namin sa Manila? Mapapatawad kaya ako nila Mommy at Daddy? Kumusta na din kaya si Gerald? Namimiss ko na din ang kapatid ko. Madaldal na kaya sya ngayon?

"Ang lalim nun babe ah. Anong iniisip mo bakit di ka pa natutulog?" he caressed my hair ang pulled me closer to him.

"Masaya lang ako." I turn around to face him and put my hands on his waist. Ang bango bango talaga ng mahal ko. Tinaas ko yung isa braso nya at inamoy ang kili-kili nya. Haha pwede na akong tumira dito. Ang bango eh.

"Pasaway talaga. Oh anong amoy ko?" Tiningala ko sya at bumungad sakin ang magandang ngiti nya. Hinding hindi talaga ako magsasawang titigan ang lalaking ito. Napakagwapo.

"Amoy baby." napangiti ako. "Babe bakit parang lalo kang gumagwapo?" bigla din naman syang natawa sa sinabi ko. Totoo naman eh. Ang gwapo nya talaga ngayon.

"Ganyan talaga kapag inlove. Lalo akong gumagwapo sa paningin mo. Tignan mo baby  nagiging korteng puso na yung mga mata mo." nahampas ko tuloy yung tyan nya ang kulit eh. Ang tigas. Pisil pisil. "Minamanyak mo na naman ako babe ah." and then he burst out laughing. Pagbigyan na.

"Minsan lang naman, 'to talaga." ang loko tuloy pa rin sa pagtawa. Natawa na lang din ako. Ang sarap pakinggan ng tawa nya.

"Ang kulit mo ngayon babe." he hugged me tight and then kiss my forehead. Ang sarap sa pakiramdam. Sana ganito na lang kami palagi. Walang iniisip na problema. Masaya lang.

"Nagugutom ako babe." bigla na lang kumalam ang sikmura ko.

"Ayan kasi ang konti ng kinain mo kanina eh. So, anong gustong kainin ng baby ko?" bumitiw na sya sa pagkakayakap na akin at umupo sa harap ko. Ano ba yan gusto kong yakap nya lang ako eh.

"Gusto ko lang ng mainit na sabaw. Parang ang sarap kumain ngayon ng spicy noodles babe." ang tagal ko na din hindi nakakakain ng noodles eh.

"Alright. Sige bangon ka na. Magluluto tayo."  hinila nya ako patayo. Ako naman nagpabigat pa. Ang sarap nya lang asarin. "Ay ang kulit talaga. Kala ko ba gutom ka na ha? Eh bakit nagpapasaway ka pa?" kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilin ko ang pagtawa ko. Ang cute kasi nya 'pag naiinis nakakunot na naman ang noo.

Bumangon na ako at kinurot ang pisngi nya. Ang gwapo talaga. "Aray! What was that for? Ang sakit nun ah!"

"Hahaha ang cute mo kasi eh. Kasalanan mo yan!" tumayo na ako at nagmamadaling naglakad papuntang pintuan. "Oh anong inaantay mo dyan? Tara na gutom na ko Harvey!" natatawa tawa kong sabi sa kanya. Ang sama tuloy ng tingin sakin ng mokong.

"Psh. Kung di lang kita mahal naku sinabunutan na kitang bruha ha!" bigla naman syang nagsalita ng parang bading at tinaas ang dalawang kamay sa ulo ko na sasabunutan ako kunyari. Ang baliw lang talaga ng lalaki na 'to.

"Sira." sabi ko na lang. Nilapitan nya na ko at kinuha ang kamay ko at sabay na kaming bumaba.

***

Harvey's POV

"Eh dagdagan mo ng sili babe! Di masyadong maanghang eh." nagpapadyak naman sya habang nakaupo ng ipinatikim ko sa kanya ang luto ko.

"Oy! Ang dami na nun ah. Baka umusok na yung bibig mo dyan?" ang anghang na kaya. Ano bang trip ng babaeng 'to?

"Eh kasi naman eh. Hindi maanghang eh." tumigil sya sa pagpadyak at may bigla na lang pumatak sa binti nya.

"Teka babe. Umiiyak ka ba?" nilapitan ko sya at tinaas ang mukha nya. Umiiyak nga. "Uy bakit ka umiiyak?"

"Ayaw mo kasi akong sundin eh." hala dahil lang sa sili?

"Okay okay sige na dadagdagan ko na po. Tumigil ka na sa pag-iyak mo dyan. Alam mo naman na ayokong nakikitang uniiyak ka." ang liit liit na bagay iniiyakan eh.

"Yehey! Sabi mo yan ah. Oh dagdagan mo na ng sili dali gutom na ko." pinunasan nya bigla yung luha nya at pumalakpak pa.

"Yung totoo babe nababaliw ka na ba?" grabe mood swings ng babaeng 'to ngayon ah.

"Nope. Mahal lang kita." she stand up and kiss my cheeks. Ngayon ang sweet naman.

Tinuloy ko na lang ang pagluluto at dinagdagan ng sili yung noodles nya baka magwala na naman eh. Tahimik naman syang nakaupo habang pinagmamasdan ako.

"Okay! Tapos na!" I get a bowl and served it to her. Umupo naman ako sa kaharap nyang upuan at pinanood syang sarap na sarap sa kinakain niya.

"The best ka talagang magluto baby!" tinaas nya pa ang tinidor nya habang nagsasalita. Hindi ko naiwasan ang mapangiti. Ang sarap nyang pagmasdan 'pag ganitong masaya sya.

"Gusto mo pa?" tumango naman sya kaya kinuha ko ulit ang bowl nya at sinalin ang natitira pang noodles.

"Kain ka babe." umiling naman ako.

"Makita lang kitang busog masaya na ko." bigla na lang nanlaki ang mata ko ng ilapit nya sakin yung tinidor nya na may nakaikot na noodles.

"Kakain ka sa ayaw at sa gusto mo." she glared at me kaya napalunok na lang ako.

"Eto na po oh. Ahhhhh..." halos umusok ang dila ko ng malasahan ko ang anghang ng kinain ko. "Tubig! Tubig!"

She lookes at me with amusement on her eyes and then burst out laughing. Ugh! Grabe talagang mood swings mo Jasmin!

Kidnapping the Bride: Ransom or My Heart?Where stories live. Discover now