Chapter 31: Formal Invitation

4.6K 92 1
                                    

(Aisha's POV)
"Yun na ba talaga ang plano?" tanong ko kay Van. Tinawagan ko kasi siya para malaman ko kung iyon na ba talaga ang plano namin.

["Yes Aisha. Simple lang diba. Just a simple pretention and we're done. Unless, mainlove ka sa akin! Hahaha"] narinig ko pa ang pagtawa no Van sa kabilang linya. Gago talaga to kahit kailan!

"Hahaha. Asa ka!"

[By the way Aisha, kailan pala balik niyo dito sa condo? You can bring your mother and Marvin here. Namimiss ko na ang paglalaro namin ni Marvin ng basketball, eh."] Umuwi na muna kasi kami dito sa bahay namin. Nahihiya na kasi si Nanay kay Van.

"Hindi ko pa alam eh. Tatanungin ko si mama mamaya. Sige na. Mamaya na lang ulit ako tatawag." Inend ko na yung call kasi naalala kong may lalabhan pa pala ako.

"Ate! Sino tumawag?" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Marvin.

"Si Van. Bakit?"

"Ba't di ka nagsabi?!"

"Eh malay ko ba kung gusto mong makipag-usap sa kanya!"

"Kelan daw tayo pwedeng bumalik sa condo niya?"

"Anytime daw pwede tayong pumunta sa kanila. Pero, depende iyan kung gusto ni mama. Nakakahiya din kaya. Para tayong palamunin sa kanya."

"Pano naman tayo magmumukhang palamunin sa kanya, eh siya naman ang may sabi na anytime pwede tayong pumunta dun. Namiss ko na makipagbasketball sa kanya eh."

"Nasabi nga niya eh."

"MARVIIIIN! Pumunta ka na dito! Andito na si Rose!!" nagulat kami pareho dahil sa sumigaw.

Teka, sino si Rose?

"Hoy! Sino si Rose?! Di mo siya sa akin nakukwento ha!"

"Wala. Kaibigan lang." halata naman na namumutla siya nang naitanong ko un.

"Kaibigan o Ka-Ibigan?! Ayieeeee! Binata na si Marvin."

"Umayos ka nga! Kaibigan nga lang sabi eh."

"Alam mo, may alam akong pupwedeng tumulong sayo."

"S-sino?"

"Oh, bakit naging curious ka bigla? Akala ko kaibigan lang. Hahahaha. Sabi na eh."

"Sige na nga! Oo na. Nililigawan ko si Rose! Sino nga puwedeng tumulong sa akin sa panliligaw?"

"Si Van! Mag-take ka ng Dating 101!"

"Si Kuya Van? Seryoso? Akala ko sa mga babae lang yun?"

"Versatile yan si Van. Kayang-kaya niya yan!"

Maipaturuan nga siya kay Van!
-----
(Sophia's POV)
Hi peoples! Pumi-POV si ako Hahaha. Bakit kaya now lang si ako nagka-POV? Well, it does not matters. Si Sebastian palang, sHapAt NaAa_bentesiete harthart.

(A/N: Sophia, Pwedeng tama na muna iyang jeje language mo? Hindi maiintindihan ng readers. Promise!)

Minsan na nga lang ako magka-POV, sisingit pa si author. Pero okay lang. For the sakes of the readers.

Magtatagalog na lang ako ha. Hindi ako sanay mag-english eh. Ilonggo pwede pa. Bisaya ako day! Mayaman man si Daddy, nagmahal pa rin naman siya ng promdi! Nakilala kasi ni Daddy si Mommy nung nagbusiness trip ang family ni Daddy. Hindi pa si Daddy ng CEO nun pero sinasama na siya ni lolo sa mga affairs of business ni Daddy. Teka, Tama ba ung affairs of business? o business affairs? Hindi para kasi siyang Fairs of a Business. Hindi na nga ako magkukwento tungkol sa pamilya ko! Nakakatamad eh!

By the way nasa office pala ako ni Honey my love so sweet ko. In short, si babe ko. Andami naming tawagan no. Ano nga tawag dun? terms of Endlement! Terms of endermelt? Basta un na un!

"Siguraduhin mo na ang mataas na kalidad ng papel, ang gagamitin mo sa pagprint ng invitation ha! Yung paglalagyan, leather! Sinabi ko na sayo un diba. Okay ieend ko na call."

[Okay po mada----]

Pinutol ko na yung tawag. Andami pa kasing sinasabi nitong inutusan ko.

Asan na kaya si babe? Ang tagal namn ng meeting nila.

*Knock Knock*

Ay may kumakatok. Sino kaya yun.
Binuksan ko yung door at pinapasok si Marj, secretary ni Sebastian.

"Good Morning, Ms. Larameda. Mr. Perez says that please don't wait for him. He has another meeting with a very huge investors. You may go home now."

"Aah. Please told him thats is okay! I'll waiting until he comes." napakunot si Marj sa sinabi ko.

"Excuse me, Ms. Larameda, but can you please s-speak in-intelligently?" sabi niya habang medyo mabagal at parang inemphasize niya ung last 2 words.

"Ako tanga?! No. Fool me? Is not!"

"That's not what I'm talking about. Okay, Ms. Larameda, ano po uli ang sinasabi niyo?"

"Ah. Yun lang pala . Akala ko kung ano! Pakisabi kako kay Sebastian na hintayin ko na siya."

"Okay Ms. Larameda. I'm gonna go."

Paglabas ni Marj eh may kumatok na naman.

May katok mga tao ngayon, no?

Pinapasok ko na siya.

"Ms. Larameda, you have a special delivery." 

"Pakilagay na lang diyan. Ano ba yan?"

"An invitation card, I think."

Ang bilis naman na print ung invitation card ko para kay Aisha.

"Sige, umalis ka na." sabi ko dun sa nagdeliver.

Yes. Ang ganda ng quality ng papel. Ito ang sinasabi ko. Tapos ung parang envelope, leather!

Kinuha ko ung cellphone ko at nagdial ng pwedeng mautusan.

"Pumunta ka dito sa office ni Sebastian, dali!"

[Papun---]

Pinutol ko na ung tawag. Ano ba yan! Pinapadali na, sasagot pa!

Wala pang limang minuto eh dumating na ung inutusan ko.

"Ipadala mo tong invitation card na to sa address na to! Maliwanag?"bilin ko sa magdedeliver, sabay abot ng pera.
"Opo."
"Oh ano pang ginagawa mo? Larga na!"

Aisha! Wait ka lang. Dadating na ang invitation card para sayo. Magkakakilala na rin tayo!
----

The CEO's SecretaryWhere stories live. Discover now