VII: PASAKAY... (PART 1)

ابدأ من البداية
                                    

"nag abala pa po kayo, eh pinag bake na nga po kami ni Selestine." Sabi naman ni Cleniah.

"nako wala yun, minsan lang lumabas si Selestine kasama mga kaibigan niya, kaya excited kaming lahat kung ano ikekwento niya paguwi ninyo."

"naku kung hindi po siguro kami marami sa Laboratory ngayon malamang boring po." Nakangiting sabi naman ni Flynn.

"heto na lahat siguro yun." Dumating na si Jacob na may dalawang dalang malalaking baskets na puro pagkain.

"aalis na po kami Mrs. Villmontez." Paalam ni Cleniah.

"Naku mga bata, tita na lang mga kaibigan naman kayo ng anak ko." Ngiting sabi ni Mrs. Villmontez.

"sige po salamat po tita aalis na po kami." Paalam naman ni Flynn.

Dala dala naman ni Jacob yung mga basket at siya na din nagpasok sasakyan kasunod ang dalawa.

"sige po kuya una na po kami baka po naghihintay na mga yun sa amin." Paalam ni Cleniah.

"magingat kayo huh gabi na." habilin naman nitong si Jacob kaya sumakay na sa kotse ang dalawa at umalis.

"wow I can't believe this ang dami nating pagkain." Sabi ni Flynn

"oo nga ang cool ng mommy ni Sel pinagluto pa talaga tayo parang gutom na tuloy ako." Sabi pa ni Cleniah kaya binilisan niya ang pag mamaneho papunta ng school nila.

............................................

"kanina pa tayo paikot ikot yun din naman ang lugar na napupunta tayo." Naiinis na sabi ni Cleniah pagkatigil niya sa sasakyan.

"oo nga no..." dugtong naman ni Flynn at nagkatinginan silang dalawa. Tingin na may halong pagtataka at takot...

"baba ako sandali.. dito ka lang." paalam ni Cleniah kay Flynn.

"Uy saan ka pupunta?" natatakot na sabi ni Flynn nang alisin ni Cleniah ang seat belt niya at binuksan ang pinto ng kotse.

"dito lang ako sa malapit... wag na wag kang aalis dito maliwanag." Tsaka na siya lumabas sa tuluyan sa kotse at naghintay lang doon si Flynn.

Naglakad siya ng di kalayuan sa iniikutan nila mula kanina hanggang sa sign board na nagtuturo sa kanila ng daan.

Pinagmasdan lang ni Cleniah ang sign board ang daan na tinuturo nito...

"Bakit nga ba kailangan ng sign board eh wala namang ibang daan papunta sa Morgan maliban dito..." nasabi na lang niya sa sarili niya habang nakatingin siya sa sign board.

Tanaw na tanaw naman siya ni Flynn mula kotse na kanina pa natatakot.

Di nagtagal naisip na ring bumalik sa kotse ni Cleniah...

"Anong nangyari doon bakit ang tagal mong nakatulala sa sign board?" takang tanong ni Flynn.

"hindi ka ba nagtataka??? Wala namang ibang daan... bakit yung sign board na yun nandoon?? Ni hindi ko nga maalalang merong ganyan dyan sa tagal ko nang pumapasok sa MOrgan." Pagkasagot ni Cleniah inayos ulit niya ang seat belt niya at inistart ang kotse.

"cleng... pano na yan..." natatakot na sabi ni Flynn kay Cleniah habang maingiyak ngiyak.

"Tignan mo yung GPS wala ding ibang daan na tinuturo kung hindi ito lang." naiinis na sabi ni Cleniah dahil di rin siya makapagisip ni hindi nga din niya alam gagawin niya dahil alam niyang paikot ikot lang din sila.

We Got Haunted (On-Going Story)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن