Why We Ended

24 5 2
                                        

note: 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

note: 

A friend asked me during the time na sinusulat ko ito, sa lahat ng genre, bakit iyan pa? Sabi nila, really unbecoming of me raw, out of character. 

Maliban sa ayoko lang talagang upuan ang isang analytical essay na naka-assign sa akin, gusto ko lang pagnilayan ang kwentong mga narinig ko. At kwento ko.

Sabi nila, para maintindihan mo ang lalim ng isang nangyayari, kailangan mo siyang maranasan, pero dahil impossible na maranasan ko siya, gusto ko siyang isulat kasi iyon lang ang pinakamalapit na paraan na available, sa pamamagitan ng simpatya. 

Kadalasan, niroromanticize sa mga romance novel ang pag-ibig, at kadalasan kabataan ang tumatangkilik sa mga ganoong kwento. Maraming nag-aakala na umiikot ang lahat ng bagay sa romansa at pag-ibig. Kaya mapapansin na meron silang unrealistic expectation pagdating sa ganyang bagay. Saka lang mapagtatanto na hindi pala ganoon kapag natikman na ang bigat ng realidad, maging ang pagkalam ng sikmura. 

 Gusto kong subukan na i-capture ang ibang angulo ng pag-ibig na hindi perpekto, magulo, masakit sa ulo, at minsan nakakasira ng bait. Kahit hindi man malapit sa realidad, makakatulong ito para mag-contemplate. 

Base sa pamagat ng kwento, may dalawang tanong na maaaring mabuo:

Bakit kaya may mga relasyon ang natatapos?
Ano ang dahilan?

Ano nga ba?

may kanya-kanyang version: may mabigat, may simple, may mutual, may one sided, may labag sa loob, meron ding maayos na pinalaya ang isa't isa

sa tingin ko premature ang magiging kalalabasan ng kwento, pero gusto kong subukan na isatitik ang version na ito. wala naman mawawala

Ehem, though I'm not sure if someone will ever read this story, I'm leaving this note anyway (hehe). Hindi ako isang bihasang manunulat (halata naman dito sa note pa lang like super magulo) sa katunayan, heto ang first story na nagawa kong isulat, kaya humihingi ako ng malalim na pag-unawa. 

If you ever enjoy the story, please leave a comment. I'll really appreciate it!

-threnodia (Feb 23, 2026)

-threnodia (Feb 23, 2026)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Why We EndedWhere stories live. Discover now