"Oo 'no! Mahilig siya sa kwek-kwek tsaka kikiam. Tas dapat maanghang ang sawsawan. Si Chang naman, mahilig sa matamis. Maarte yun eh. Ako naman, sweet and spicy tas may halong suka." Napahigop tuloy ako ng laway. Natakam ako bigla eh.

"Gusto mo...magluto tayo?"

Napatingin ako kay Mase nang di oras. "Di pa sapat sa'yo yung luto ni Mama?" bulalas ko. Ngayon ko lang nalamang may pagka-matakaw din siya. Akala ko ako lang sa pamilya namin ang matakaw eh.

"Baliw. 'Kala ko ba nami-miss mo ang street food. Magluto na lang tayo ng kwek-kwek-"

"Wah! Sige! Sigeee!" tuwang-tuwa kong sabi sa kanya.

Nakakatats talaga si Mase. Siguro inisip niyang baka magka-typhoid ulit ako kung sa tindahan lang sa kanto kami bibili. Di tulad 'pag kami ang nagluto, siguradong malinis.

Pero bago kami naggrocery, naghanap muna kami ng ingredients sa Google at kung paano lutuin. Madali lang naman yung kikiam tsaka fishball. Yung kwek-kwek yung medyo mahirap gawin. At mas lalo yung mga sauce! Sabi ko ays lang sa'kin kung suka lang ang sawsawan, pero sabi ni Mase, mas gusto rin daw niya yung maanghang. Edi sige.

Bale, ako yung nagprito ng lahat habang si Mase naman yung gumawa ng mga sawsawan. Naka-ilang ulit nga siya eh. Sabi ko tutulungan ko siya, ayaw naman niya. Gusto raw niyang matuto.

Tas sa dami ng binili niya, konti lang ang niluto ko kasi raw baka mabigla ang tiyan ko. Tignan ko muna raw kung ano'ng magiging epekto sa magdamag. Kaya habang naghihintay kung hihilab ba ang tiyan ko sa niluto namin, pinahiram na lang niya yung laptop ni Kuya Chino habang nagbabasa siya ng libro.

Patago kong sinilip ulit yung FB ko para malaman kung ni-accept na ni Taki yung request ko. Kaso hindi pa rin eh. Wala naman akong makita sa profile niya kasi naka-private tsaka-

"Sino 'yan?"

Muntik pa akong malaglag sa upuan. "W-Wala!" bulalas ko tas mabilis kong ni-close yung browser at humarap sa kanya.

"Boyfriend mo?" tanong niyang nakabalik na sa kama at nasa libro na naman ang atensiyon.

"Di ah! Kras lang!" agad kong pakli tas napatakip ako sa bibig. Si Mase talaga ang galing manghuli eh.

"Nasabi mo na kina Kuya?"

"Saka ko na sasabihin 'pag nakita ko na ang score ko dun sa exam namin. Baka mamaya magalit na naman sila kapag nagpapabaya ako sa pag-aaral ko. Diba ganun ka rin naman?"

Tumaas ang mga kilay niya nang harapin niya ako. "Ha?"

"Kaya ka nag-aaral pa nang mabuti para mapatunayan mo kina Papa na di nakakagulo yung panliligaw mo kay Sapio Girl?"

Kahit wala naman siyang kinakain o iniinom, naubo talaga si Mason kaya ikinuhanan ko siya ng tubig. "Saan mo nalaman 'yan?" tanong niya nung masaid niya yung laman ng baso.

"Kanino pa, edi kina Kuya. Minsan kina Papa. Sino ba 'yon at bakit parang ako na lang ang di nakakakilala sa kanya?"

Umiwas siya ng tingin at itinuon ang pansin sa hawak niyang libro. "Ahhh...saka mo na makikilala."

"Pag sinagot ka na? Tama 'yan...pag pinakilala mo kasi sakin tas binasted ka, baka bangasan ko lang ang mukha non."

Enko kung bakit natawa siya sa sinabi ko. Seryoso kaya ako. "Pero siguraduhin mong maganda 'yang si Sapio Girl ah."

"Maganda 'yon. Mas maganda pa sa'yo."

Natigilan ako. Ngayon ko lang siya narinig na pumuri ng babae. "Okay. Susuportahan kita diyan. Basta suportahan mo rin ako sa kras ko ah, huehue."

HATBABE?! Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon