Kaya nga ako lumabas ng bahay kasi nasasakal na ko dun…

Kaya nga ako tumakbo papunta dito kasi ayoko silang makita..

Kaya nga kausap ko si Gino ngayon kasi gusto kong mawala sa utak ko lahat ng problema ko…

Diba?

“Libre mo?” Tanong ko.

Natawa naman siya.

“Haha Oo sige. Bilisan mo na”

Tumayo na ko tapos naglakad na kami.

Teka, san kami pupuntanito?

“Gino----”

“Sa bahay ko. Kunin ko lang yung kotse”

“Ahh. Sige”

Nagulat ako nung nalaman kong katapat ng bahay niya yung bahay namin.

Bat di ko napansin yun? >_<

Dun kami sa likuran ng bahay nila dumaan.

Ayaw ko syempreng magpakita sa family ko.

“Kuya------Mikay? Uy! Ate mikay!”

Pagkapasok na pagkapasok namin sa kitchen door nila Gino, bumungad agad si JC na nakain ng bread and nutella.

Nagtataka siyang nakatingin sakin.

“Hello Jc” sabi ko naman.

“Bat andito ka ate? May tutor lessons na ulit kayo ni kuya?” Tanong niya sakin habang kumakain.

Si Gino naman tumawa lang sabay kagat dun sa ginawa niyang tinapay na may nutella.

“Ha? wala” Sabi ko.

“Chomo. Wolo ngo-----” Singit ni Gino.

“Uso magsalita pag ubos na yung kinakain mo” Asar ni JC sa kuya niya.

I'm his TUTOROnde as histórias ganham vida. Descobre agora