"Hoy! Bakit ngayon ka lang ha?!"

"Sorry Ashley, ginawa ko pa kasi yung assignment ko"

"Tsk... bilisan mo na at hinihintay ka nang hugasan dun oh! Tsaka kailangan mo na ding maglinis, ang alikabok na kasi eh"

*nod*

Haist... Kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho para maka-alis dito...

pagkatapos kong maglinis ay nagpahinga na ako at...

*ring ring* *ring ring*

Eh? May tumatawag sa phone ko?

Sino naman 'to? Hindi naman si Erika 'to kasi nakalagay yung pangalan niya sa phonebook ko, so sino 'to?

AKO: HELLO?

UNKNOWN: HI MISS

What the?! Pano niya nalaman number ko?

AKO: UM... DI KO KAYO KILALA EH, BAKA WRONG NUMBER?

UNKNOWN: HOY! HINDI MO BA AKO NAKIKILALA HUH?! AKO LANG NAMAN YUNG NABUNGGO MO KANINA!

Ouch! Ang lakas makasigaw

AKO: SORRY HA! MAGPAKILALA KA KASI! AY WAG NA! ANG PANGET NG PANGALAN MO!

AARON -_-: *SIGH* HINDI KO NA KAILANGAN PANG IPAKILALA SARILI KO KASI NAKILALA MO NA AKO KANINA

AKO: TSK... KANINO MO NALAMAN PHONE NUMBER KO?!

AARON: SECRET

AKO: TSAKA BAKIT KA TUMAWAG?

AARON: NAMISS KO KASI YUNG BOSES MO EH TSAKA GUSTO KONG MALAMAN NAME MO

AKO: UTOT MO! AYOKO NGA!

AARON: AY SIGE WAG NALANG PALA, MEI FERNANDEZ

WHAT THE?!!!!

AKO: HOY! HINDI AKO SI MEI!

AARON: UTOT MO! LAHAT NG STUDENTS SA TOKYO ACADEMY KILALA KO 'NO!

AKO: MABANGO! TSK...

*toot toot*

At binabaan ko na nga ng phone yung lalaking yun, bwisit lang! Paano niya nalaman pangalan ko? Posible naman na kinuha niya yun sa office ng school di— WHAT THE! Nakasulat pala dun yung information ko!!! Haist! Kung minamalas ka nga naman oh >__________<

Aaron's POV

Haha! Laughtrip yun ah

Grabe! Haha! Ang saya siguro pagtripan nun

Humanda sya sakin bukas *evil grin*

Nandito ako ngayon sa condo ko, kasama yung kambal kong kapatid na sina Aya at Ana

Ang mom ko ay sumakabilang bahay na ganun din ang dad ko kaya nung nag-divorce ang mom at dad ko bigla nalang nila ako iniwan sa ere kasama ang 4 years old kong kapatid na kambal, 11 years old din ako nun kaya napag-isip kong tumira sa condo na binili ni dad sakin for my future pero maaga ko siyang nagamit para tirhan namin

Sa ngayon, 9 years old na sila Aya at Ana. Habang ako ay 16 years old na

5 years narin ang lumipas ng iwan kami ng magulang namin, kaya ako ang nag-aalaga sa kambal

Habang lumalaki sila ay mas lalo akong nahihirapang alagaan sila kahit na sinusuportahan parin kami nang magulang namin. Mahirap parin, kasi lumalaki silang walang magulang

kaya napag-isip-isip kong mag-hire ng maid na mag-aalaga sa kanilang dalawa, kaso sa loob ng 5 taon ay wala man lang tumagal sa kambal dahil sa kakulitan nila. Pati nga ako napipikon nadin eh

"Kuya, pasyal tayo please?"

"Kuya, gusto ko nang ice cream"

"Wait lang guys ha? Wala pang padala sila mom at dad eh"

"Ganun naman palagi eh!"

After 5 mins...

"Kuya!!!"

"Waaaaaaaaah! Anong ginawa niyo sa Gundam ko?!"

"Si Aya/Ana yun" nagsabay pa ang dalawa =________=

Letche naman oh! Pano ba naman kase! Pinakita nila sakin yung Gundam figures ko na sira-sira na! Sino ba naman ang hindi magagalit diba?!

"At dahil dyan wala kayong ice cream at di tayo papasyal"

"Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah"

Tae nakakarindi! >_____________<

"Oo na! Nagjojoke lang si kuya, tama na please"

"Yehey!!!"

Kasi naman di ko sila magawang pagalitan dahil sa ang cute nila! Para silang manika eh! Haist... Kaya hindi sila natututo eh napagka-childish =_______=

kaya kailangan ko talaga nang maid para ma-disiplina sila, ang hirap na kase kapag nagtuloy-tuloy pa 'to. TT________TT

~~~~~~~~~~~~~~~

Maid for HireWhere stories live. Discover now