Chapter 2

6.6K 119 18
                                    




Chapter 02 - Jacob



Kinabukasan, ay sumailalim nga yung lalaking tinulungan namin sa CT scan. Hindi na kami nagreklamo sa nagastos namin sakanya. Basta ang iniisip lang naming dalawa ni lolo ay ang kaligtasan nya.

Masinsinan kaming kinausap nung doctor, at inexplain sa amin ang parte ng kanyang brain na nagkokontrol ng memorya na na-injured.

Patango-tango lang ako, at pilit na iniintindi ang mga sinasabi ng doctor kahit na may mga medical terms na hindi ko naman maintindihan.

Si lolo naman ay nakahawak sa baba nya, at diretsong nakatingin dun sa x-ray nung utak nung lalaki.

"Malaki naman ang chance ng pagbalik ng memorya nya hindi ba doc?" utas ni lolo na mabilis namang tinanguan ng doctor.

"Opo, kaso tulad nga ng sabi ko, hindi natin alam kung kailan.." sabi ni doc.

"Wala po bang paraan para mapabilis ang pagbalik ng memorya nya?" Tanong ko naman. Kyuryoso.

"Hmm. It takes time lang talaga, Wala pa naman kasi akong nalaman na may amnesia na hindi bumalik ang original memory." Seryosong sabi nya. "Ngunit, may case na kapag bumalik na ang orihinal na memorya nya, malaki ang posibilidad na mabura na ang mga alala nya nung may amnesia sya, kasi mag-i-stick na ulit ang utak nya sa kanyang totoong memorya." Muling sabi ni doc, na ikina bigla namin ni lolo. Lalo na ako. I don't know kung bakit bigla nalang akong kinabahan.

"Ganon po pala yun?" Gulat na wika ko. Pumikit si doc at tumango. "Yes.."

Ang saklap naman pala, so once na bumalik na ang memorya nya may posibilidad na makalimutan nya ang mga alala nya noong kasalukuyang may amnesia sya.

Pagkaalis ng doctor ay ipinagkibit-balikat ko nalang lahat ng mga thoughts na bumagabag sa isip ko. Okay lang kahit makalimutan nya man 'tong ginawang pagtulong namin sakanya, basta ang mahalaga ay bumalik ang kanyang original memory at gumaling sya, dahil alam ko naman na sa utak nya ay mawawala din kami pero paniguradong sa puso nya ay mananatili kaming dalawa ni lolo doon.

Pumasok kami ni lolo sa kwarto nung lalaki. Pero pansin ko ang pagtabang ng ekspresyon nya. Hindi ko naman kasi mahinuha kung ano man ang iniisip nya. Basta ang napapansin ko lang ay hesitanly syang kupkupin namin yung lalaki.

Marahan kong binuksan yung pintuan ng kwarto. Sinilip ko muna sya bago tuluyang nagpakita.

Nakaupo sya ngayon sa kama habang nakasandal ang kanyang likod sa dingding. Nakakatuwa, dahil may improvement na sya, hindi na sya mukhang nanghihina ngayon. Marahil mas mabuti na ang kanyang pakiramdam.

Nang magtagpo ang aming mga mata ay nginitian nya 'ko, I smiled back to him naman, pagkatapos ay tuluyan na kaming pumasok ni lolo at umupo sa tabi nya.

"Nagugutom kaba?" Tanong ko na mabilis nyang hinindian. Suddenly, hindi nya kami matignan-tignan ni lolo, napayuko sya na para bang nahihiya?

"Hmm. Nahihiya na ako sainyo." Nagkatinginan kaming dalawa ni lolo pagkatapos nya 'yong sabihin. Mukhang tama nga ang nasa isip ko, nahihiya nga sya.

"Ano kaba, wag mungang isipin yun!" Sabi ko. Sa totoo nyan, wala naman talaga sa amin ni lolo yun e.

"Ano po bang pwede kong gawin para makabayad sa inyo?" Muli syang nag-angat ng tingin, si lolo naman ang binalingan nya.

"Hindi naman kami naghahanap ng kabayaran e." simpleng sagot ni lolo.

"Tama sya don!" Pag sang-ayon ko naman dun sa sinabi ni lolo, tsaka sya ngumiti ng genuinely.

Faded MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon