Meet 1 Arnold; his 2 friend; his 3 angels

6.4K 107 11
                                    

10 A.M. 

"Late na naman ako!" sigaw ni Arnold sa kanyang sarili habang tinatakbo ang hagdan.

 Nasa fourth floor na siya ngunit sa eigth floor pa ang klase niya. Huli na naman siyang nagising dahil nakalimutan niyang i-set ang kaniyang alarm clock.

"Bakit kasi sira na naman yung elevator?!" napabulaslas na sabi ni Arnold pagkalagpas ng fifth floor.

Sakto namang may guard na napadaan at minataan siya. Halatang narining ang komento ni Arnold. Pero walang pakeng dinaanan lamang ito ni Arnold. Di naman sa minamasama niya ang pagkasira ng elevator. Alam niya naman na may rason. Sadyang di maiwasan magkomento masa lalo't ito pa kadalasan rason bakit nala-late ang mga tao lalo. 

___


"So as I was saying class, Effective and Efficient are almost similar but not the same," ito ang mga salitang nadatnan ni Arnold pagkabukas niya sa pinto. Nasa harapan ng klase ang kaniyang instructor ng Total Quality Management, si Sir Pogi a.k.a Sir Paul.

Agad naman siyang tinignan ni Sir Paul at ng mga kaklase niya. Medyo namula ang pisngi ni Arnold dahil sa mga titig ng kaklase. Mula sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niya ang mga barkada niyang sina John at Jose. Wagas ang bungisngis ng dalawa at parang pinipigilang tumawa.

"Arnold, third time mo ng ma-late sa klase ko. Well done..." medyo nang-a-asar na komento ni Sir Pogi sa harap. Pumapalakpak pa ito ng mahina, halatang gustong ipahiya si Arnold.

Mahinang humingi ng tawad si Arnold at agad umupo sa tabi ni John likuran.

"Target ka talaga ni Sir Pogi. Inaagaw mo kasi yung atensyon ni Jasmin," bulong ni John kay Arnold pagka-upo nito sa kanyang tabi.

Napakunot-noo si Arnold, "Sinong Jasmin?" habang kunwaring nagbubuklat ng libro na linabas niya mula sa kanyang backpack.

Ngumisi sa kanya si John, "Yung cute na half-spanish sa Block 2B, nakalimutan mo na ba? Yung nagbigay sa'yo ng confession letter sa may gym last time."

Para namang nag-flash back lahat kay Arnold ang nangyari. Last week habang nasa gym siya, ginawa siyang 'Water Boy' ng mga kaibigan niyang sina John at Jose na parehas miyembro ng Basketball Team ng University. Kung naalala niya ng mabuti, naaksidente siya doon dahil nadulas siya sa isang nakakalat na plastic bottle sa sahig. Agad naman siyang tinulungan ng mga kasamahan niya at ni Jasmin. Sa pagkakakwento ni John sa kanya, kanina pa siya pinagmamasdan nung babae. Pagkatapos maalalayan na maka-upo sa bleacher si Arnold, agad siyang iniwan ng mga kasamahan niya para bumalik sa kanilang training. Iniwan siyang kasama ni Jasmin. Mahinhin na babae si Jasmin kung papansinin. Di mo nga akalain na lalapit ito sa lalaki. Mukha siyang maamong tupa kung susumahin. Biglang walang ano-ano'y, may binigay si Jasmin na sulat kay Arnold. Pagkaabot ni Arnold ay agad rin siyang iniwan. Di alam ni Arnold, maraming nakakita sa sulat na binigay Jasmin sa kanya.

"So, anong sinabi sa sulat?" tanong ni Jose pagkalabas nila ng klasroom. Kakatapos ng klase ni Sir Paul.

"Wala lang naman. Sabi niya kung pwede daw ba kaming magkita sa theater sa susunod na theater play," wala sa mood na sagot ni Arnold. 

"Peste ka naman, bro!" agad na reaksyon ni Jose, "Bakit parang wala lang sa'yo yun? Di mo ba alam na isa sa mga cutest chick sa department natin si Jasmin? Lang ya naman oh! Ako na lang sana." 

Napaisip tuloy si John at Jose kung sadyang walang interest sa babae si Arnold. O kaya sadyang di niya type si Jasmin. Pero kahit ano pa man rason, kahit sinong lalaki maiingit sa swerte sa babae ni Arnold. Babae pa mismo lumalapit sa kanya. Lihim tuloy na naiingit si Jose.

Project Cupid: Love VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon