Chapter 9

1 0 0
                                        


Chapter 9

"Bakit hindi mo muna ako sinabihan na maglalabas ka ng statement?" yan ang tanong agad sa'kin ni Joy kinabukasan.


"Did you know what happened?!"


Hindi ko maintindihan kung bakit galit siya. Mali ba na ilabas ko ang side ko?


"Ba't ka ba nagagalit? Naglabas lang ako ng statement ko para malaman din nila ang side ko, Joy. Alangan naman na hayaan ko na lang ang paninira nila sa'kin? Aalis ako at 'yun ang gusto kong huling gawin para na rin sa ikatatahimik ng isip ko. At least, alam nila ang totoo." I bit my lower lip to stop myself from sobbing.


"Ikaw... alam mo ang totoo kaya bakit galit ka pa na ipagtanggol ang sarili ko?"


Nasapo nito ang noo at tila hirap na hirap na kausapin ako.


"You don't understand, Yvone. Nang ilabas mo ang statement mo kagabi ay mas lalong nagulo ang lahat. Hindi ako galit na ipagtanggol mo ang sarili mo sa madla pero sana naman kinunsulta mo muna ako dahil hindi lang simpleng bagay 'to. Malaking tao ang kinakalaban natin kaya sana naman ay hindi mo 'yun nakakalimutan."


"Are you wondering why the agency didn't do anything about this issue?" tanong niya.


Tumango ako.


"Takot silang kalabanin si Director Ted. Tinalikuran na nila tayo. Ayaw nilang madamay sa gulong 'to."


"Bakit lahat na lang sila takot sa kanya?"


Mafia boss ba 'yun? Eww... hindi bagay ang term na mafia boss sa kanya. Lider ng sindikato pwede pa.


Kidding aside. Posible iyon dahil bakit naman matatakot ang lahat na kalabanin siya kung wala siyang armadong tauhan.


"Connection. Most of his cousins are very successful in different fields. One is a CEO of a leading modeling company. One is a retired general. Meron din siyang pinsang judge at attorney na halos lahat ng case ay naipapanalo. Meron ding doctor."


Umiwas ako ng tingin. Edi wow.


"I received earlier an email from the agency."


"Anong sabi?"


She sighed. "They want you to delete your statement."


Napakunot-noo ako. "I-delete? Hinding-hindi ko 'yan gagawin! Hindi nga nila mapagtanggol ako tapos gusto pa nilang burahin ko 'yun?!"


"Takot silang maapektuhan ang agency maging ang iba pang actors sa issue na 'to."


"At ayos lang sa kanila na masira ako?! Nagtatrabaho naman ako sa kanila. Gago ba sila?!" naggigigil kong sabi kay Joy.


Deseo Island Series #2: The Runaway ActressWhere stories live. Discover now