FOUR: Date (Ang Kokontra, Pupunta sa Hell)

17 0 0
                                    

Copyright © StruckNeewah, 2015

*************

Ah~ ah~ ah~ ah~~ dang geun song!

na bo go ship ni? Dang geun!

na saeng gak na ni? Dang geun!

Ugh... Sino na naman ba ang tumatawag sa ganito kaagang oras? Ang aga-aga gayong wala naman kaming shooting ngayon.

Ibabaon ko pa sana ang mukha ko sa unan para ignorahin ang tawag ng kung sino mang hinayupak na istorbo sa pagtulog ko pero nakakakulili ng tainga yung lakas ng ringtone, eh! Mapalitan nga mamaya ang alien ringtone na 'to.

Tinatamad na kinapa ko ang phone ko sa bedside table. Nakapikit ang mga matang sinagot ko ang tawag. "Hello?" namamaos pa ang boses ko dahil kagigising ko palang.

I heard a chuckle from the other end of the line. Pamilyar sa akin ang tawa na yon. At parang gusto kong bawiin yung silent na panmamaliit ko kanina sa tumatawag sa akin.

Nagising ang bawat himaymay ng tulog na katawan ko. Tiningnan ko sa screen ng phone ko kung sino ang tumatawag. "Unknown number," wala sa sariling sambit ko pagkabasa ko sa registered name ng caller. "Sino po sila?" tanong ko sa tumatawag.

"It's me..." Si Hayme ba 'to? "It's me James," sambit niya.

Kumabog nang malakas ang dibdib ko. Bakit napatawag ang mokong na ito ng ganito kaaga?

"I'm sorry if I woke you up, Nadz." He sounded apologetic.

"No, it's okay, James." Saan kaya niya nakuha ang number ko? Uhm, hayaan ko nalang. Basta masaya ako na kausap ko siya ngayon. "Why did you call, anyway?" Naupo ako sa ibabaw ng kama in lotus position.

"I--I was rehearsing our script and I couldn't get to perfectly pronounce a Tagalog word correctly. Could you help me?" tanong niya in his famous Australian accent.

Kinapa ko ang ilalim ng ilong ko. Baka kasi may dugo na roon. Sa kabutihang-palad ay wala naman.

Wala bang kakilalang magaling managalog ang lalaking ito at ako pa ang iniistorbo? Hindi naman kami ganoon ka-close, ah.

"Nadz?" came his thick, sexy voice again.

"Ah... Wait and I'll just get my script." Pagkakuha ko ng script ay binuklat ko iyon. "What page is it, James?"

"Are you fully awake now?" sa halip ay tanong niya.

Nalilitong inilayo ko sa tainga ko ang phone at tinitigan yon. Pero ibinalik ko rin agad sa tainga ko para sagutin ang tanong niya. "I am," maikling sagot ko.

"Can we just talk about this over breakfast?" tanong ulit niya.

Napakagat-labi ako. Niyayaya ba ako nitong lumabas?

"If it's not too much for you, Nadz," dagdag pa niya nang hindi ako kaagad makaimik.

"No, it's okay," mabilis na sambit ko. "I understand your case, James. Tutulungan kita," maluwag sa loob na sabi ko sa kanya. "What are friends for, anyway... Or are we friends yet?" nag-alangang usisa ko. Baka bansagan niya akong asumera sa pag-a-assume na friends kami.

"No," sabi niya. Ay...nahiya naman ako. Itanggi ba namang friends kami. Siya itong nagpapatulong at--"We are a loveteam, far more than just friends," dagdag niya. I rather heard his smile in his voice than saw it.

Eeeeennnnneeeebbbbeeee! Kenekeleg nemen eke. Hihihi! Tumikhim ako para kahit papaano ay panatagin ang mga dinosaur ko sa tiyan na kinikilig din. "Yeah. Kaya magtulungan tayo," panatag ang boses na sabi ko nalang.

A Million Teardrops for a Platonic FriendshipWhere stories live. Discover now