One Night

25.1K 172 19
                                    

Her’s POV

Nagising ako.

Teka. Hindi ko to kwarto ahh.

Asan ako?!

Pagtingin ko sa bedside, 1 A. M. palang?!

Ang huli kong naalala is yung umiinom ako sa bar. Tapos accidentally, I kissed Axe. And then...

Wala na! Wala na kong maalala!

I groan when I tried to remember. Ang sakit ng ulo ko.

Bumangon na ko. May naamoy ako. Hmm. Soup ata yun. Mainit pa siya. So hindi pa to matagal niluto. Kinain ko yun. Sarap!

Medyo nawawala na sakit ng ulo ko.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto.

Malaki siya. Yun lang. Tinatamad akong sabihin sa inyo kung anong andito sa kwarto.

May tatlong pinto.

Tatlo?! Bakit tatlo?!

Binuksan ko ang isang pinto malapit sa kama. Cr siya.

Yung pangalawang pinto naman, di ko alam. Pinasok ko siya. Creepy! Ang dilim kasi eh.

Ano ba to?

Kwarto din ata. May nabasa nako non na may mga kwarto na may pintuan na nagkokonekta sa kanila. Yung ganon? Alam niyo yun? Kung hindi, pakamatay na kayo. Joke lang.

Hmm. Malaki din siya. Kwarto ng lalaki ata to.

Bat alam ko? Malamang tinignan ko nga diba.

Joke! Madilim nga eh. Pano ko malalaman?!

Amoy lalaki kasi. Kaya nalaman ko. Wag kayong green. Perfume ng lalaki ang naamoy ko.

Makaalis na nga---

“San ka pupunta?”

Shit!

Bulong niya sakin. Alam ko ang boses na 'yon.

Nasa likuran ko siya kaya humarap ako sa kanya.

Pagharap ko, yung dibdib niya agad ang nakita ko.

Wala siyang suot na pang-itaas!

May abs dre!

“Tinatanong kita kung saan ka pupunta.” Seryoso niyang tanong na parang nagpipigil.

“A-ah…ano…malamang sa kwarto ko. Matutulog ulit. Bahay mo ba to?”

“Oo.” Yung boses niya…ang sexy!

Ano ba tong iniisip ko?!

“Ahh. Sige alis na ko. Night!” Tatalikod na sana ako pero pinigilan niya ko.

“Wait.”

Tinignan ko mata niya. Oopsie! Wrong move.

“Bakit?” tanong ko.

Medyo nakikita ko ang mukha niya sa liwanag na nanggagaling sa bintana niya.

Hindi ko magawang umiwas ng tingin. Namamagnet ako sa mata niya.

“Jane.” Husky ang boses niya. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. “Kinakagat mo labi mo.”

“H-ha? ahh. Sorry.” I chuckle awkwardly. Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya.

“Wag kang humingi ng pasensya. Kanina ko pa kasi napapansin nong nasa bar tayo na kinakagat mo labi mo…

At gusto ko din gawin.”

One Night (One Shot BS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon