Harlem Shake [one-shot]

317 19 12
                                    

Author’s Note: Naisip ko lang ‘to habang nakikinig ng Harlem Shake. Haha. Sana kahit medyo laos na ang Harlem Shake, basahin niyo pa rin ito. :)

PS: This is FICTION. :)

----------

Harlem Shake

“Tara! Gawa tayo ng Harlem Shake video!” Sigaw ng Class President namin.

Umani naman ito ng pagsang-ayon sa mga kaklase ko, pero meron pa ring mga KJ. Isa na ako doon. Wala ako sa mood eh.

“Ano ba kayo! Last day na natin oh! Bilis na, bawal KJ!” Sigaw ulit ng Class Pres. namin.

“Oo nga! Bilis! Ako magsisimula.” Singit ni Jill.

Jill. Jillian Nicole D. Garcia.

Ang babaeng apat na taon ng laman ng puso ko. *bato ng papel, maraming-marami*

Korni ba? Ganun talaga. Mahal ko ‘eh. :”) *bato ulit ng papel, maraming-marami*

Ano ba ‘yan! Ulitin nga natin ulit yung kwento. *copy… paste!*

---

“Tara! Gawa tayo ng Harlem Shake video!” Sigaw ng Class President namin.

Umani naman ito ng pagsang-ayon sa mga kaklase ko, pero meron pa ring mga KJ. Isa na ako doon. Wala ako sa mood eh.

“Ano ba kayo! Last day na natin oh! Bilis na, bawal KJ!” Sigaw ulit ng Class Pres. namin.

“Oo nga! Bilis! Ako magsisimula.” Singit ni Jill.

Jill. Jillian Nicole D. Garcia.

Ang babaeng apat na taon ng laman ng puso ko.

Simula noong unang taon namin hanggang ngayong nasa ika-apat na taon na namin sa High School ay siya lang ang laging nagpapatibok ng puso ko ng mabilis, nagpapapawis ng pasmado kong mga kamay, at nagpapatuliro ng isip ko. *bato ulit ng papel, maraming-marami*

Ulitin ko ulit?? ‘Wag na. Baka mga plato na ang mabato sa ‘kin. Hehe.

Siguro nagtataka kayo kasi, teka, kumapit kayo mabuti ah, baka tangayin kayo. Ulitin natin…

Siguro nagtataka kayo kasi gwapo *ehem* naman ako, matalino *ehem, top 1*, mabait *EHEM!!*. Tama na nga, baka bumaha bigla ng pl*ma. Haha. Pero yun nga, kahit ganon ay wala pa akong GF. Bakit? TORPE eh. *walang tatawa*

Flings? Wala rin. Good boy kaya ako. *ehem!*

Kaya kahit mahal ko ‘yun, focus muna sa studies. *bato ulit ng papel, maraming-marami*

Kanina pa may bumabato ng papel ah. Tama na nga.

‘Nu ba yan, nakakahiya naman. Lalaki ako. Pero napipilitan akong magsulat.

Bakit? Kasi gusto NIYA.

Sinong NIYA? Girlfriend ko.

Gulo ba? Haha. Sensya na, hindi naman ako writer eh. Ulitin na nga natin. Eto na, yung matino at maayos na kwento.

Na pinamagatang Harlem Shake.

Alam kong korni, pero wala sanang bumato ng papel. Please…

*bato ng papel, maraming-marami*

---

“Tara! Gawa tayo ng Harlem Shake video!” Sigaw ng Class President namin.

Harlem Shake [one-shot]Where stories live. Discover now