"Pa'no, see you later?"

"Y-Yeah."

"Bye, Lifli. Take care." Napakaway na lang ako kay Ice.

Pagkaalis na pagkaalis nila ng mga kaibigan niya ay hinila ko si Pao papunta sa ground ng school at doon nagtititili. Pinagtitinginan ako ng ibang estudyante pero wala akong pakialam, ang mahalaga ay mailabas ko ang kilig na aking nararamdaman.

"Oh my gosh! Oh my gosh! Bakla, hindi ko kinekeri ang mga nangyayari sa buhay pag-ibig mo!!" sabi sa akin ni Pao.

Araw-araw ko nang makakasama si Ice. Araw-araw... Oh my Ice Tsing! Malalagyan ko na ba ng icing ang isa sa mga tatlong cupcake?

***

"Alright! Sa wakas ay nagawa ko rin nang tama!" sabi ni Ice pagkatapos niyang gumawa ng isang cupcake.

Naging maayos ang unang subok niya ngayon. Medyo kulang pa sa 'sarap' pero masasabi kong may improvement siya. Nagkaroon ng lasa ang ginawa niyang cupcake ngayon, hindi kagaya kahapon na walang-wala talaga.

"Ngayong alam mo na kung paano mag-bake ng old fashion, tuturuan naman kitang gumawa ng mga cupcake na ginagawa na sa panahon natin ngayon."

Sinimulan ko na ang pagpapakita sa kanya kung paano gumawa ng vanilla cupcake. Gusto ko sanang panoorin niya muna ako pero nagpumilit siya na tutulong daw siya at kung maaari ay mas marami siyang gagawin kaysa sa akin. Hinayaan ko na lang siya dahil nakikita ko na gusto niya talagang matuto.

Nang mailagay niya sa oven 'yung mga cupcake ay sinimulan na niya ang paggawa ng icing at habang gumagawa siya ng icing ay hindi ko inaasahan na makikipagkwentuhan siya sa akin.

"Hilig mo ba talaga ang pagbe-bake?"

"Yup! Parehong chef ang mga magulang ko kaya mahilig talaga akong magluto, hindi lang baking ang ginagawa ko."

"Wow! Kaya naman pala. Palibhasa business man at woman ang mga magulang ko kaya wala silang oras para turuan akong magluto. Ang swerte mo naman pala."

"Kung wala man silang oras sa 'yo, pwede ka namang mag-aral sa sarili mo."

"Pero iba pa rin kasi kapag may magulang na gumagabay, hindi ba?"

Sabagay, may point naman talaga si Ice. Hindi ko akalain na gano'n pala ang relasyon niya sa kanyang mga magulang. Stalker ako ni Ice pero never akong nakarinig ng kwento tungkol sa mga magulang niya.

"May point ka riyan. Pero kung wala talaga silang oras at gusto mo talaga, mag-aral ka na lang sa sarili mo. Sa totoo lang, 13 years old pa ako noong huling beses na tinuruan ako ng mga magulang ko."

"Ha? Bakit?"

"Patay na kasi sila. Namatay sila sa car accident noong 13 years old ako."

"Oh. Sorry about that."

"Naku, ayos lang 'yon! Alam ko namang masaya na sina Mama at Papa kung nasaan man sila ngayon."

"Eh sino ang kasama mo ngayon sa bahay niyo?"

"Doon ako nakatira sa bahay ng best friend ko na si Paolo. Best friends din kasi ang mga magulang namin kaya ayun, sila ang umampon sa akin."

Napangiti si Ice. "You're lucky to have them."

"Oo naman!"

Natahimik kami sandali pero mayamaya ay nagsalita ulit siya.

"Lifli, may gusto nga pala akong itanong sa 'yo."

Tinikman ko 'yung icing na ginawa ni Ice, ang sarap! Kasing sarap niya rin kaya ang icing na 'to? Oh mind, shut up.

"Ano 'yon?"

Si Ice Tsing ng Cupcake ko (Completed)Where stories live. Discover now