Coincidence : Chapter 13 part 2

Magsimula sa umpisa
                                    

paalis na sana ako sa what i think is our library..

ng bigla akong nakakita ng papel.

di ko sana papansinin eh. kaso may nakalagay na...

to : ms. number 7.

ako kaya to? andami kaya naming number seven nung intrams!

yaan mo na nga. akin na lang! baka madagdag ko pa to sa school paper namen. :P sorry na lang. burara sila eh.

makabalik na nga sa room. ay wait! basahin ko muna. nacu-curious na ako eh. :">

'*#@note@#*'

Dear ms. Leah Barana

sorry kung hindi ko linagay yung pangalan mo agad. baka malay mo. hindi mo naman ito makita. eh di mas masaya. kailangan ko lang siyang ilabas ngayon. sorry na rin kung hindi na ko gagalang. baka pareho lang naman tayo ng age eh. at saka kahit na nasa lower year ako eh ka-age mo na ata ako eh. don't judge me. I have my reasons.

at saka. sorry na rin kasi alam kong sinisiw na naman ako kanina. tumakbo siguro ako noh? hahaha! pag pasensyahan ang torpe.

ako nga pala si-- ay wag na pala. para pa mysterious ang trip natin! :)

siguro nagtataka ka na. itong sulat ay sinulat para sa isang magandang dalaga. haha! pag torpe ba nagiging korni? o sadiyang in love lang to?! ay torpe na lang pala. :)

so ayun I LILE YOU.

para bang bakla?

haha. basta. liligawan din kita. sa takdang panahon nga lang. JOKE! 

pwede bang manligaw? kung pwede punta ka sa library pagkabell ng uwian niyo. pag wala ka pa in 5 minutes aalis na ako at isipin mo na lang na wala kang nabasa.

ang bilis ba? alam ko na kasing wala naman akong pagasa sayo eh. ang ganda mo kaya. tapos first section ka pa. eh ako? third section. halos dulo pa ng ranking sa grade. tapos balita ko pa mayaman ka. ano pa pagasa ko sayo? haha! oo na. nag research na ako sayo. simula nung nakasabay kita sa jeep. kumakain ka pa ng kwek-kwek. haha! ang cute mo nun! sobra. tapos yung pangalawa naman eh parang kahapon lang. actually kahapon nga. naalala mo? yung ang bingi ni manong driver. muntik ka pang hindi makababa nun. dapat pala hindi na kita pinababa at pinakilala na kita sa mga magulang ko. hahaha! joke. at saka bakit ang hirap mong makasabay sa jeep? ano ba talaga sinasakyan mo? hay. hirap naman.

ang corny na ba? para bang babae nag sulat? sabi ko sayo eh. pag inlove nawawala ka sa totoong ikaw. haha!

so ayun nga. can you be ma girl?

Coincidence lang ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon