"Kailangan tamang-tama lang 'yung sukat ng ingredients na ilalagay mo, baka kasi kapag sumobra ay maging pangit ang kalabasan. Masama ang sobra pero masama rin ang kulang kaya dapat 'yung tama lang." Tumangu-tango naman si Ice at nakita kong naka-focus talaga siya sa panonood. Nailang tuloy ako. Pakiramdam ko'y kailangan lahat ng gagawin ko ay tama.

Hinalo ko nang hinalo 'yung mga ingredient at pagkatapos ng tatlong minuto na paghahalo ay nagdagdag na ako ng panibagong ingredients hanggang sa pwede na siyang ilagay sa mga baking cup.

"Dapat 2/3 lang ang ilalagay mo sa bawat baking cup. Hindi pwedeng sumobra para kapag umalsa na ay hindi tataas ng sobra sa baking cup. Pagkatapos no'n ay ilalagay na sa oven at lulutuin for about 17-20 minutes."

"Bakit gano'n? Kapag nanonood ako parang ang dali-daling gumawa pero kapag ginagawa ko na ay hindi ko magawa ng tama?" tanong ni Ice habang inilalagay ko sa oven 'yung mga cupcake.

"Baka hindi tama 'yung sukat ng mga ingredient mo? O 'di naman kaya'y napapabayaan mo na kapag nasa oven na?" Nagkibit-balikat lang siya at no'ng isara ko ang oven ay parang sinilip pa niya 'yung mga cupcake. "Dapat kasi hindi mo pinapabayaan 'yung niluluto mo. Parang sa pagsasaing, kapag hinayaan mo lang maaaring masunog. Kahit nga sa rice cooker ka magsaing, masama pa rin kapag sumobra ang pagkakaluto. Gano'n din sa pagbe-bake, dapat lahat ay nasa tama lang. Bawal sumobra at bawal ding magkulang."

"Dapat pala talagang mag-ingat kung gusto mong magawa ang isang bagay."

"Hugot ba 'yan?"

"Pwede rin." Natawa kami pareho.

Habang hinihintay naming maluto 'yung mga cupcake ay tinuruan ko naman siya kung paano gumawa ng icing. Pagkatapos naming gawin 'yung icing ay tuwang-tuwa siya dahil magde-design na raw siya ng cupcake. Hanggang design lang daw kasi talaga ang kaya niya.

Pagkatapos ng 20 minutes ay kinuha ko na 'yung mga cupcake at para bang nagningning ang mga mata ni Ice pagkakita niya sa mga 'yon. Napakaadik niya talaga sa cupcake. Sa akin kaya, kailan siya maaadik?

Naghintay pa kami ng tatlong minuto para lumamig 'yung mga cupcake. Kapag kasi inilagay agad ang icing ay maaaring tunawin lang 'yon ng init. Pagkatapos ng tatlong minuto ay pinalagyan ko na kay Ice ng icing 'yung mga cupcake at masasabi kong magaling siyang mag-design. Na-perfect niya 'yung ipinagagawa kong design.

"Yes! Tapos na 'yung mga cupcake! Pwede na tayong kumain?" excited na tanong ni Ice. Tumango naman ako at agad siyang kumuha ng isa. Pinagmasdan ko kung paano siya kumagat, ngumuya, lumunok... at pakshet! Na-in love ako lalo!

Mayamaya pa'y tumingin siya sa akin nang seryoso, para bang galit siya o ano. Seryosong-seryoso kasi talaga 'yung itsura niya. Kinabahan tuloy ako. Hindi kaya masarap 'yung nagawa kong cupcake? Naku po! Huwag naman sana. Pero habang gumagawa kasi ako kanina ay kinakabahan talaga ako dahil naka-focus sa panonood si Ice. 'Yung totoo? Mas kinabahan pa ako no'ng si Ice ang nanonood kaysa no'ng mga oras na teacher ang nanonood sa akin.

Ganito ba talaga kapag nasa harapan mo ang taong mahal mo? Hindi ka makapag-focus sa ginagawa mo? Kaya pala maraming magulang ang nagagalit kapag nalalaman nilang may boyfriend o girlfriend na ang anak nila. Nakakawala kasi ng focus.

Nabigla naman ako nang yakapin ako ni Ice. Oh my God!! Totoo ba 'to? Yakap-yakap ako ni Ice?! O.M.G!!!! Huwag mo 'kong bibitawan, Ice, para kapag hinimatay ako, masasalo mo 'ko agad. At sana kapag tuluyan nang nahulog sa 'yo ang puso ko ay masalo mo rin.

"Lifli, naiiyak ako."

"H-Ha? Bakit?"

"Ang sarap kasi nitong cupcake na ginawa mo. Bakit ganito kasarap 'to?! Anong powers ang ginamit mo?! I-share mo naman 'yan!"

Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. Kumalas na rin siya sa pagkakayakap sa akin. Sayang! Hindi ba pwedeng mag-extend? "Baliw ka! Akala ko naman kung ano na dahil may payakap-yakap ka pa riyan! Pinakaba mo 'ko, ha!"

Tumawa naman siya nang malakas. "Sorry! E ang sarap naman kasi talaga nitong ginawa mo. Pakiramdam ko dinala ako sa langit, e."

"Wow, ah! Over reaction na 'yan." Nagtawanan lang ulit kaming dalawa at pagkatapos ay sinimulan na niyang gayahin 'yung ginawa ko. Dinidiktahan ko pa siya nang gagawin niya kapag hindi na niya alam kung ano'ng susunod.

Sa unang bake niya ay palpak ang kinalabasan. Sumobra kasi ang inilagay niyang harina, halata kasing kinakabahan si Ice kaya hindi niya masukat nang maayos 'yung mga ingredient.

"Argh! Palpak 'yung gawa ko! Ang alam ko tama naman 'yung inilagay kong harina kanina, e," reklamo ni Ice pagkatapos naming tikman 'yung ginawa niya.

"Ayos lang 'yan, ganyan naman talaga sa simula. Lahat naman ay nagkakamali sa umpisa. Saka pwede ka pa namang sumubok ulit."

"May isang pagkakataon pa, Ms. Lucas?"

"Oo naman, Mr. Tsing. Meron pa at hindi lang isa, maraming pagkakataon pa!" natawa naman siya.

May lumipad tuloy na mga paruparo sa aking tiyan. Ang sarap pala sa feeling kapag napapangiti mo 'yung taong mahalaga sa 'yo at kapag napapasaya mo ang taong mahal mo.

"Ang dami palang dapat tandaan sa baking. Palibhasa puro kain lang ang alam ko." Napakamot pa siya sa ulo niya.

"Okay lang 'yan, nagsisimula pa lang naman tayo. Let's try again?" Tumango naman siya at sinimulan nang gumawa ulit.

***

Ice Tsing's Point Of View

Natapos ang mahigit dalawang oras na tutorial namin ni Lifli at tanging icing lang yata ang na-perfect ko. Bakit ba parang ang hirap gumawa ng cupcake?

Binuksan ko ang aking locker at kagaya ng inaasahan ko ay may kahon na naman sa loob nito. Binuksan ko 'yung box at this time ay isang pure chocolate cupcake ang aking nakita. Mayroon na namang tatlong cupcakes na walang icing at design. Sinasadya ba talaga 'to ng nagbibigay sa akin?

Binasa ko 'yung note: "One of the greatest joys in my life is making you smile."

Kumuha ako ng isang cupcake at kinain 'yon. Habang ngumunguya ako ay may napansin ako. Bakit parang kagaya ng lasa ng cupcake na 'to 'yung lasa ng cupcake na ginawa kanina ni Lifli?

Si Ice Tsing ng Cupcake ko (Completed)Where stories live. Discover now