CHAPTER SEVENTEEN

Magsimula sa umpisa
                                    

"Let's not talk about this anymore. Ayoko na, Katy..." Ang sikip ng puso ko pag si Justin pinaguusapan. Ayoko naaaa.

"Mahal mo pa kasi siya kaya ka ganyan. Sige na nga, tara na sa room," Hinawakan niya kamay ko. "Don't worry, Rylie. Hindi naman acute yung nararamdaman ko sa kanya. Parang crush lang. Kaya siguro hindi masyadong masakit?" 

"KATYYYYYYY!!!"

"Eh sa hindi nga masyadong masakit e. Hahahaha! Kung icocompare ko yung nafifeel mo sa nafifeel ko, wala pa ako sa kalingkingan mo! Plus the fact na alam ko na umpisa pa lang na siya ang dahilan kung bakit ka naging bi-"

"KAAAAAAAAAAAAATYYYYY!!!" Tinakpan ko ears ko. Ughh naaawkward ako!

"Hahahahaha hindi na hindi na..." Sabi niya na halos umupo na sa floor kakatawa, "Basta happy ako na friends pa din tayo. Yun lang naman gusto ko e. TARA NA!" Hinatak na niya ako papunta sa room. Masaya ako na okay kami ni Katy. 

Pag balik namin sa room, wala pa din si Justin. Natapos na ang buong period, wala pa din. Natapos na buong araw, pero wala. Di pumasok si Justin. Anong problema ng lalaking yun? Wait! 5 siya umalis ng bahay tapos pinuntahan pa niya si Katy. Ang layo pa ng inuwian niya. 

ANG TANONG: Umuwi na ba siya? Nakauwi ba siya? 

Err, ayaw ko siyang tawagan kasi magmumukha akong naghahabol pero tinawagan ko pa din. Di nga lang siya sumasagot. Ano bang problema niya? Nakaka-10 missed calls na ko pero wala talaga. Sht, baka kung ano na nangyari doon?!

'Yan pala ayaw tumawag ah!' Sabi ko sa isip ko! Bakit ko na naman cinocontradict sarili ko? Maganda ako. Maganda ako. Maganda ako. Huhuhu!

"Huy!" May nag poke sa magkabilang tagiliran ko.

"Ay butiki!" OMG, ba't bumalik expression ko?! Ayokoooo nito.

"Nasaan? Hahahaha!" 

"Baliw ka, Katy. Bakit ba?" Tanong ko.

"Taray nito! If I know, nag-aalala ka lang diyan. Kanina ka pa may tinatawagan diyan e!" Sabi niya. Kanina pa siya nakatingin sa akin? 

Nakaupo kasi ako ngayon sa stone bench malapit sa building namin. 

"Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ko.

"Ah-huh! Hay nako Rylie. Puntahan mo na kasi sa bahay."

"Sino ba?" Tanong ko kahit kilala ko kung sino tinutukoy niya.

"Tsss aalis na nga ako. Kailangan ko ng umalis kasi may date pa ako," Tumawa siya. Nakakaloka! Hindi ko alam kung maniniwala ako e.

"WHAT?! Sinooooo?!" Tanong ko pero dumila lang siya.

"Bye, Rylie. Love you," She kissed my cheeks at umalis na. Shizness. Nasaan ba kasi si Justin? Kung nasa masama man siyang kalagayan ngayon, hindi ko maiiwasan i-blame sarili ko. SERYOSO! Ang landi landi ko kasi, inumaga tuloy siya. 

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon