14

7.4K 174 4
                                    

Tiffany's POV

"I-Ina"Tawag ko sa labas ng bahay nila

Matagal-tagal na rin simula ng nakilala ako ng lolo't lola niya pati na rin ng mga kaibigan niya

"Tiffany? apo"Tanong ni lola pagbukas niya

"Ako nga po.A-andyan po ba si Ina?"Tanong ko

"Ayy magkasama sila ni Mateo nagikot ikot ata"Sagot ni Lola

"S-Sige po salamat po"Sagot ko tsaka nagsimulang maglakad

Naglakad ako at nagsimulang hanapin sila

Maya-maya din ay nakita ko silang nagtatawan

Siguro kapag iba ang nakakita sa kanila pagkakamalang magboyfriend at girlfriend sila

Yung mga kilos nilang dalawa na parang sila

"Tiffany!"Tawag bigla ni Ina ng makita niya ko

"O-oh Ina..Mat"Sabi ko naman tsaka sila lumalit sa akin

"Mukhang masaya kayo ah?"Tanong ko naman

"Ito kaseng si Mat ang corny ng mga jokes"Tawang sabi ni Ina

"Ganun ba?"Ngiting sagot ko

Biglang tumitig si Ina sa mata ko

"Mat usap lang kami mamaya na lang pwede?"Paalam ni Ina

"Sige okay lang. Bye Ate Tiffany , Ina!"Ngiting sabi niya kaya tumango lang ako ay umupo

"Hindi ka okay. May nangyari ba?"Tanong niya tsaka tumabi sa akin

"Ako? Okay ako"Sagot ko

"Huwag ka ngang sinungaling"Sabi niya tsaka ako hinawakan sa mukha at hinarap

"Ganyan ba ang okay? Paiyak ka na nga oh"Sabi niya tsaka ko iniwa ang ulo ko

Tumahimik kami saglit

"Kami na pala"Ngiting sabi ko

"Oo alam ko kinwento mo na sa akin yan. Pero ngayon malungkot ka baket?"Tanong niya

"Ang hirap. Ang sakit malaman na hindi ko pala kayang gawin na mahalin niya ko. Hindi ganun kadali"Sagot ko tsaka siya lumapit at pinunasan ang luha ko
"Babae ka Tiffany dapat kase siya yung manliligaw sayo"Saway niya
Kung alam mo lang na si Kim yung tinutukoy ko , na babae siya

"Mahal ko eh"Tawang sagot ko

"Mahal mo , mahal ka ba?"Tanong niya dahilan para ang puso ko ang sumagot

Ang sakit

"Alam kong hindi pero sabi niya soon. Sabi niya itatry niya. Sabi niya suabukan namin. Sabi niya tutulungan ko siya"Umiiyak na sabi ko

"Sabi.Sabi.Sabi. paano naman yung gawa Tiffany! Mas matanda ka sa akin dapat ikaw ang mas open sa gantong bagay. Oo sige sabihin nating mahal mo siya na soon gagawin niya. Ang tanong magagawa niya ba?"Tanong niya ulit kaya nanahimik ako

Kung ako si Kim at tatanungin ko siya ng parehas ng tanong sa akin ngayon ni Ina. Siguradong mananahimik lang siya at yayakapin ako

"Ayaw kong sabihing kaya niya ginagawa to dahil ayaw niya Akong saktan. Gusto kong marinig sa bibig niyang ginagawa niya to kase may nararamdaman na siya sa akin, na nakakalimutan na niya siya. Yun lang ina. Yun lang yung hinihintay ko"Sabi ko

Can't Unlove You (GxG) [TaeNy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon