Chapter 5: Spell Physics? H-E-L-L!

159K 1.8K 259

Chapter 5: Spell Physics? H-E-L-L!

THURSDAY.

(Rocky's POV)

I love Thursdays. Wala lang. Kasi mas nafifeel ko ang pagdating ng end of the week pag Thursday. I consider Friday as the start of the weekend kasi. Weird much? :))

Kaya medyo nagpapalate ako pag Thursday. Mga 15 minutes before mag-ring ang second bell ako umaalis ng bahay. Mga 6:25 am ba. Hello! 5 streets lang kaya ang layo ng Charleston mula sa bahay! Kaya sumasakay na lang ako ng tricycle. Tinatamad kasi akong maglakad ://

Since this is the first Thursday of my last year in highschool, I decided na gawin to every Thursday, ang pagpapalate. Ay shoot, hindi pala pwede. Every Thursday pala ang CAT namin. Sana hindi ako palaging duty! :OO

"Ate! Dalian mo nga dyan!" katok ni Brylle, younger brother ko. Nasa loob ako ng CR, nagtutoothbrush. Define dahan-dahan ang pagtutoothbrush ko.

"Wait lang ha! Mapupulbo lang ako!"

"Dito ka na sa labas magpulbo! Najejebs nako e!!"

Darn! Pasalamat sya at nagmamadali nako! Lumabas nako ng CR at pumunta na sa kwarto ko para kumuha ng gamit. Mabilisang pag-aayos: spray ng Watermelon cologne, lagay ng lipgloss, powder at mascara. Bitbitin ang backpack. Don't forget iTouch and gitara. Ay Physics book pa pala!

I'm done! :DD

"Ma!" sigaw ko sa labas ng kwarto nina Mama. Call center agent kasi sya at kakauwi lang nya. "Ma alis nako ha! Byeeee!"

Let's just say na medyo may kaya kami. 3 floors ang bahay namin, pero hindi naman ganong kabongga. Though kaya naman naming bonggahan, nanghihinayang si Mama sa pera. My dad's working abroad as a civil engineer in London. O diba, pounds pa ang pinapadala! Charots! :>

Ugali ko nang pumara ng trike sa harap ng bahay namin. Hassle pa kasi kung pupunta pa ako sa kanto diba? Kahit backride ako okay lang! Basta makarating sa Charleston before the second bell! :PP

Saktong may dumating na trike. Yosh, isa lang ang sakay sa loob! Okay to! Pinara ko ang trike.

"Kuya sa Charleston p-" muntikan ko nang mabitawan ang gitarang hawak ko. Shete picados kung minamalas nga naman.

Sino yung nakasakay?

Si Wes.

Cheeezus. Of all people, why him?! Nagdadalawang-isip tuloy ako kung sasakay pa ko o hindi. Kainis lang.

Wes looked at me with an annoying expression. Aba, sya pa tong naaasar sakin ha!

"Sasakay pa po ba kayo Miss? Sayang po sa gas e. Sakay na, madalang po kasi yung trike dito sa street nyo," epal ni Kuya Driver.

*sighs* As if may choice pa ko noh!? Mukhang tama nga si Kuya, medyo madalang na yung jeep dito sa village namin. Nasa kabilang village pala ang Charleston, pero 5 streets away lang samin. Ang gulo noh!?

If I FallRead this story for FREE!