"Tutulungan ko kayong makatakas." Napalingon naman ako sa Kuyang tinawag ko nagtatakha akong tumingin sa kanya, "Baka ikaw ang ipalit niya dito Kuya, ayaw mo naman siguro yun diba?" Nag-aalala kong tanong, inismiran niya lang ako at tumapat siya sa harap ko.











"Ipasa mo sa ibang babae Ean, pagbilang ko ng tatlo sabay-sabay tayong tatakbo? Gets? Risk it all bebe toh, 'wag kang maarte."









"Ano nanaman bang kabaliwan toh Xanthe? Mas mapapahamak tayo sa ginagawa mo e."











"Gusto mong iwan kita dito at hayaan kang maging Frosty the snowman?"











"Oo na! Nako kung 'di lang talaga kita kambal!" Nagsimula naman ng si Ean na ibulong sa katabi niya ang sinabi ko pinagpasa-pasahan nila ito hanggang sa malaman na ng lahat, sabay sabay silang tumingin sa akin at naghihintay ng bilang ko.








"Kuya, paano mo kami tutulungan?" Tanong ko sa kanya, tinawag naman netong si Kuya ang mga kasamahan niya. Abuh, mas lalo yata kaming ipapahamak ng isang toh e.









"Yung totoo tutulungan mo kami o mas pahihirapan?" inis kong bulong, mukhang narinig niya naman iyon. Lumuhod siya sa harap ko at tinitigan ako ng maigi, "Maghintay ka Blondey."











Naguguluhan na ako infairness, blonde ba talaga buhok ko o brown? Aba naman, ang bubulag nila ha! Pinagmasdan ko ng maigi ang paligid ng bus, maluwag naman dito kahit papaano, sinilip ko naman ang labas at sisikat na rin pala ang araw, mukhang bihira lang mga dumadaang sasakyan dito sa pinaghintuan namin.









Nakita kong bigang tumahimik ang paligid, lumingon ako at wala na pala yung mga bantay! Omg saan sila nag-punta?! "BLONDEY TAKBO!" Rinig kong sigaw galing sa labas ng bus, "1, 2, 3 TAKBO!" Sigaw ko at nagsimula na kaming magtakbuhan palabas ng bus at dahil siksikan sa pinto, sa bintana ako dumaan tutal kasya naman ako, sinilip ko ang lulundagin ko at napamura na talaga ako.









"Bwiset! Ang taas!" Bulong ko, "XANTHE TATALON KA O IKAW ANG IIWAN KO?!" Rinig kong sigaw ni Leanza na nasa labas na pala, no choice lumundag ako at tama lang ang pagbagsak ko sa kalsada, inayos ko ang mga dala naming gamit, nilingon ko ang mga kasama namin at sa ibang direksyon sila tumakbo. Dalawa lang naman ang pagpipilian naming daanan sa North pa-balik sa probinsya o sa South papuntang Maynila.









"HOY BUMALIK KAYO DITO!" Nagulat naman ako ng magpaputok ng baril ang mga lalaking bumihag sa amin kanina, sunod-sunod ang mga naririnig ko at mga tili ng mga kasama namin ang umaalingaw-ngaw sa paligid.











"XANTHE TARA NA! SUMUNOD NA TAYO SA KANILA!" Hila sa akin ni Leanza, tatakbo na sana siya pa-Norte pero hinila ko siya at tumakbo kami papunta sa South, "HABULIN NIYO YUNG BABAENG BLONDE AT YUNG KAMBAL NIYANG BROWNY!" Sigaw ni Mortong.










"SHIT, XANTHE DAPAT DOON NA LANG TAYO KASAMA NILA!" Galit na sigaw ni Leanza sa akin habang tumatakbo kaming dalawa.










"TANGA KA BA LEANZA?! MAS MAGANDA NG HUMIWALAY TAYO PARA KONTI LANG HAHABOL SA ATIN SA KANILA MARAMI KASI MARAMI RIN SILA!" Sigaw ko pabalik sa kanya, rinig ko namang may mga sumisigaw sa likod namin napalingon ako at nakita kong may dalawang lalaki na humahabol sa amin.










"LEANZA BILIS!" Sigaw ko, nagulat naman ako ng magpaputok sila ng baril at naramdaman kong namanhid ang braso ko, "XANTHE! Y-YUNG BRASO MO!" Sigaw ni Leanza, napahawak naman ako sa braso ko at pinigilan kong sumigaw sa sakit, tuloy-tuloy pa rin kami ni Ean sa pagtakbo hanggang sa may nakita akong kotseng itim na umaandar.










Kinuha ko ang de latang sardinas sa bulsa ng bag ko at ibinato yun sa kotse dahil medyo malayo ang distansya namin sa kotse, agad namang huminto yung kotse, nilingon ko ang mga humahabol sa amin at medyo malayo pa naman sila. Hinila ko si Leanza at agad na ipinasok sa loob nung kotseng itim.










"WHAT THE FUCK?!" Ano raw?! Tumingin ako sa lalaking nagmamaneho at nakita kong may kasama pa pala siyang isang lalaki na naka-upo sa tabi siya, front seat ata? Ewan! Sabay nila iyong sinabi habang gulat na nakatingin sa amin ni kambal.









"KUYA SORRY SA ABALA PERO PWEDE BANG IPAANDAR MO NA YUNG KOTSE KUNG HINDI MAMAMATAY KAMI NG KAMBAL KO DITO!" Sigaw ni Leanza sa Kuyang nasa front seat, napadako naman ang tingin nila sa akin at mas lalo silang nagulat ng makita ang dugo sa braso ko.









"Hehe sorry nabato ko kotse mo" nag-peace sign naman ako at agad napa-ngiwi sa sakit ng igalaw ko ang braso ko, nakarinig naman kami ng putok ng baril at nagkatinginan kaming lahat.











"KUYA PAANDARIN MO NA BAGO KA PA MADAMAY DITO!" Sigaw ko.




-
Ang haba, naglalag tuloy haha don't forget to vote and comment!

Hacking Science ClassWhere stories live. Discover now