i.5

95 6 3
                                        


Xanthe's POV









"Ano ba naman kayong kambal kayo?! Kailan ba kayo matututo 18 na kayong dalawa oh! Dalaga na kayo, pero bakit ganyan? Pabigat lang kayo dito e, kung di lang kayo ipinaubaya ng Nanay niyo sa akin! Nako kayong mga bata kayo!" Napangiwi naman kami ni Leanza nang pingutin ni Tiya Pepot ang mga tenga namin, ibinalibag niya kami sa kalsada dala ang mga bag na puros damit at gamit namin ang laman.









"Lumayas na kayo dito! Wala kayong kwentang dalawa!" Sigaw niya sa amin, umiiyak na si Ean samantalang ako pinupulot ko yung mga damit naming dalawa. Alam ko namang dadating tong point na ito, yung papalayasin kami ni Tiya Pepot dahil kahit ako alam ko sa sarili ko na wala na kaming kwenta ng kambal ko.









"Xan, paano na tayo niyan?!" Tinawanan ko lang naman si Ean mukha namang nainis siya, napabuntong hininga lang ako at ngumiti. Inabot ko ang kamay ko sa kanya kasi naka-upo siya sa kalsada at mukha siyang uhuging bata, kinuha niya naman iyon at pinagpag ko ang damit niya.










"Alam mo Ean, makakahanap tayo ng paraan! Syempre Buenavista tayo! Nag-bubumba bumba lang tayo noh!" Pag-checheer up ko sa aking kambal, natawa naman siya at tinulungan akong dalhin ang mga gamit namin. Kinapa ko ang bulsa ko at nakita kong may perang nakalagay dito, napa-ngiti naman ako.











"So, saan tayo pupunta neto?" Tanong niya sa akin. Luminga-linga naman ako sa paligid, sa probinsya kami nakatira. Tahimik dito at bibihira lang ang tao, maraming lumilipat sa Maynila kasi marami raw oportunidad doon at sabi nila marami kang pwedeng applyan na trabaho doon.











Di kami nakapag-aral ng kambal ko, ako pala si Xanthe Buenavista at ang kambal ko naman ay si Leanza. Hawig na hawig kaming dalawa, malamang kambal e. Maaga kaming naulila sa mga magulang namin, may kaya naman kami noon kaso nga lang kinuha na ng bangko ang pera't lupa namin kaya walang natira sa amin ni Leanza nang mamatay sa aksidente sina Mama at Papa.










"Pupunta tayong Maynila, Ean! Siguradong makakahanp tayo ng maayos na matitirahan doon, syempre maghahanap din tayo ng trabaho para naman may mapagkukunan tayo ng pera." Nag-ningning naman ang mga mata naming dalawa, agad-agad kaming pumunta sa terminal ng mga bus, aminin ko oo di kami marunong magbasa pero kahit papaano ay may naiintindihan naman kaming dalawa.










"Saan po ba ang bus na pa-Maynila?" Tanong ko sa isang Manong, "Ay doon ineng!" Naka-ngisi niyang sabi sa bus na punong-puno ng mga babae, nagpasalamat naman ako at hinila ko ang aking kambal papunta sa bus na iyon, pumwesto kaming dalawa sa pinaka-likod dahil wala ng bakante sa harap.











"Xan, nahihilo ako matulog muna ako ah? Gising mo lang ako." Nginitian ko naman si Ean at tumango, sabi nila 8 oras daw bago makakarating sa Maynila, grabe ang layo pala nun. Sasakit pwet ko neto e. Ka-awat naman.











Bandang alas-tres nagising kami ni Ean sa malakas na hiyawan ng mga kasamahan namin dito sa bus, nagkatinginan kami at sabay na kinuha ang mga gamit namin, "HUWAG KAYONG BABABA! KUNG HINDI PAPATAYIN NAMIN KAYO!" Jusko! Ano nanaman ba tong napasukan namin?










"Teka, Kuya ano po bang meron?" Naguguluhan kong tanong sa kanya, siniko naman ako ni Ean at pinanakihan niya ako ng mata habang nanginginig siya sa takot? Ha?










"ABA GAGO TOH AH!" Nagulat naman ako ng hawakan niya ako at ibinalibag sa sahig, aba!









"KOTA NA AKO SA MGA PAMBABALIBAG NIYO SA AKIN HA!" Inis kong sigaw sa lalaking kapre na ito, nagulat naman ako ng tutukan niya ako ng baril sa aking noo. Pinagpawisan naman ako ng malamig habang nakatitig sa mukha ng lalaking may hawak na baril, ang pangit niya pala noh?









Hacking Science ClassDonde viven las historias. Descúbrelo ahora