"Uh, pwede po bang-"










"ABA 'WAG KANG MAGSASALITA KUNG HINDI PAPASABUGIN KO BUNGO MO NGAYON DIN!" Hinanap naman ng mga mata ko si Ean at nakita kong kasama siya ng ibang babae na nakaluhod sa sahig ng bus samantalang ako naka-dapa habang naka-angat ang ulo.









"Kuya-"










"ANO NANAMAN BA?!"










"Wait lang din, hot mo e wala pa nga akong sinasabi."









"ABA ABA! ANG GALING MONG SUMAGOT HA!" Itinaas ko naman ang dalawa kong kamay ng ikasa niya ang baril na nakatutok sa noo ko, jusko naman! Marami pa akong pangarap sa buhay! Ito nalang mamang nasa harap ko ang kunin niyo, wala naman tong pangarap sa buhay e!










"Nangangalay na kasi ako! Pwede bang umupo? Yaan mo di naman kita papatayin." Sinamaan niya naman akong tingin, dahan-dahan akong umupo ng maayos, hinawakan ko ang kamay niyang may hawak ng baril at itinutok ulit sa noo ko, "Okay na he-he"










"KAYONG MGA BABAE KAYO! I-BEBENTA NAMIN KAYONG LAHAT SA MAYNILA! KATAWAN NIYO ANG IKA-YAYAMAN NAMIN! PAPATAYIN NAMIN KUNG SINO MAN ANG MAGTANGKANG TUMAKAS!" Napamura naman ako sa isip ko dahil sa sinabi niya, ano kami?! Gagawing bayaran na babae?! Jusme! Di ko makakaya iyon! Hindi maaari!









Tinitigan ko ng maigi si Ean na kasalukuyang napapalibutan ng mga alagad ng halimaw na ito, "Tatakas tayo." bukambibig ko sa kanya, mukhang nagulat naman siya at sinamaan ako ng tingin na para bang nagsasabi kung paano, nginitian ko siya ng matamis at tumingin ako sa kapreng nakatutok pa rin ang baril sa akin.











"Tsong, malamang mahuhulaan mo agad na tatakas ako kung sasabihin kong kailangan kong mag-CR dahil sasabog na ang pantog ko, diba?"










"MALAMANG ANO AKO BOBO?!"









"Bobo na nga ako, yan yung mga ginagawang bayaran mga bobo yan bobo na nga syempre kidnapper ako, genius ako. Nag-bubumba-bumba lang grabe ikaw na nga!"











"ABA BASTOS TONG BATANG TOH AH!" I-puputok niya na sana ang baril pero tinabig ko agad ang kamay niya palayo sa noo ko, kaya't ang nangyari ay isa sa mga kasamahan niya ang nabaril imbes na ako, "Wow, reflex action." Astig yun pala yun, nagpapalakpak pa ako sa tuwa ng malaman ko kung ano ang reflex action, sunod ko namang aalamin yung adrenaline rush.








"TANGINA NAMAN MORTONG! BULAG KA BA?! ANG LAKI-LAKI NG MATA MO TAPOS DI MO MAKITA YANG BABAENG BLONDE ANG BUHOK?!" Aba ang ganda ko hehes, blonde raw oh brown nga buhok ko siya yata bulag e hindi itong si Mortong.








"SORRY PARE! HOY KAYO!" Sabay turo ni Mortong sa mga tauhan niyang mga tutong hehe "BANTAYAN NIYO YANG MGA YAN PAG MAY BAWAS NA YAN PAGBALIK KO KAYO ANG IPAPALIT KO!" Pagbabanta niya, agad niya namang inakay yung pare niya raw, heto na. This is my chance, bebe!








"Kuya!" Tawag ko sa isang bantay, apat kasi silang nandito, "Anong kailangan mo?" Oy infairness may itsura siya tas ang malumanay niya magsalita, "Pwede bang lumipat ako doon?" turo ko sa tabi ng kambal ko, tumango naman siya at hinayaan akong lumakad papunta sa tabi ni Ean.









Hacking Science ClassМесто, где живут истории. Откройте их для себя