2.3. Torn Between Two Bottles

11.6K 299 64
                                    

JULY 26, Sunday morning, 1:56 AM

Tila napawi ang pagod ng isa't isa kahit buong maghapon silang busy.. kasi naman by the end of the day, eto magkasama pa rin sila.

Napatingin si Rhian sa tabi niya sa driver's seat ng sasakyan. They're on their way to Alabang. Kasalukuyang nakatingin ang katabi sa tanawin sa labas ng side window.

Yes.. pumayag si Glaiza mag-sleep over kanila Rhian that night. She didn't know why but she really couldn't say "no" to her. Mahirap. Lalo na kung ginagamitan na siya nito ng usual puppy face nito.

"Matutulog lang naman tayo, diba?" Hindi na nakayanan ni Glaiza na hindi itanong.

Napangiti si Rhian marinig yun. "Oo naman. Bakit, may iba ka pa bang... iniisip na gagawin natin?"

"Uhm. Wala naman." Nahiya tuloy si Glaiza. Binaling muli ang tingin sa labas ng bintana para pagtakpan ang namumula niyang mukha.

"Hmm.. By the way.. I've seen some pictures from your mallshow kanina.. that includes... uhm. You finally met her."

Nag-isip pa si Glaiza saglit. After a few seconds, narealize niya na si Patty pala ang tinutukoy nito.

"Hmm.. Oo nga pala. Yes, she's nice. She even gave me a balloon. Nakakatuwa nga siya e." Napangiti si Glaiza maalala yung nangyari sa mall show sa Star Mall Shaw kanina.

Nakita naman ni Rhian yung ngiti na yun. Hindi niya maintindihan kung ano ang mas matimbang sa nararamdaman niya ngayon: saya o lungkot o selos. Alam niya naman, wala na siyang karapatan eh..

She cleared her throat. "Uhm. I'm happy for you."

Napatingin naman sa kanya si Glaiza. Hindi maarok kung sincere ba siya sa sinabi niya.

"Hmm. Thank you." Sabi na lang ni Glaiza.

After an hour nakarating na sila sa bahay nila Rhian sa Alabang.

Pinagbuksan sila ni Mommy Clara ng pinto. Nagulat pa ito makita si Glaiza. Rhian kissed her mom on the cheek.

"Ah.. mom.. she's staying here for the night."

"G-good morning po tita.." Kinakabahang bati ni Glaiza sa mommy ni Rhian.

"Hmm.. good morning din naman. Bakit hindi ka naman nagsabi agad Yon? Naipahanda ko sana yung hihigaan niya sa guest room. Anyway, come in." She mentioned them inside.

"Mom, no need.. she's going to sleep in my room." Rhian said as they entered the house.

Napatingin si Glaiza kay Rhian. Mas lalo ata siyang kinabahan. Papayag naman kaya ang mommy ni Rhian?

Napatingin din si mommy Clara kay Rhian. "Sigurado ka?"

"Yes mom. Ako na bahala, okay?" Bumaling ang atensyon ni Rhian kay Glaiza na ngayon ay nililibot ang mga mata sa kabuuan ng bahay. "Glai, tara na sa taas."

"Oh sige. Matulog na kayo at anong oras na rin."

"Night mom."

"Good night.. Sleep well."

"Ah.. good night po." Nahihiyang sabi ni Glaiza.

Ngumiti lang sa kanya si mommy Clara.

~~~~~~

Nakaupo sa bed niya si Rhian. Naririnig niya ang lagaslas ng tubig. Kasalukuyan kasing nasa loob ng shower room si Glaiza. Pinauna niya na itong magshower.

#RaStroIsReal < Reel to Real >Where stories live. Discover now