25. Pledge of Love

14.4K 309 52
                                    

JULY 3, Friday afternoon

"Guys, we're expecting you to... set aside whatever personal issues and conflicts you have at the moment for tomorrow's mall show.. especially you.. Rhian and Glaiza.."

Napatingala yung dalawa mula sa pakakayuko nung marinig nila yung name nila mula sa bibig ng event organizer ng nasabing event sa harapan. Napilitan silang tumango pagkalaon.

Kung sa dating meeting ay halos hindi sila mapaghiwalay sa upuan, ngayon naman ay kulang na lang sumiksik sila sa magkabilang dulong kuwarto para hindi magkadikit o magkakitaan. Masyadong halata ang tension sa pagitan nila.

"Good.. so good luck with our mall show tomorrow. Break a leg guys!"

~~~~~~

JULY 3, Friday evening

Nakasakay na si Glaiza sa sasakyan niya at handa na siyang umuwi muna sa kanila sa Valenzuela nang biglang sumulpot ang mukha ni Rhian sa nakabukas na side window ng sasakyan.

Hindi muna siya nagsalita at hinintay niya ito sa kung ano man ang sasabihin nito this time sa kanya.

"I know you were lying. I for once never believed you don't love me anymore.."

Rhian's face looked so pitiful.. as if she's begging for some love...

Napabuntong-hininga si Glaiza. Tila pagod na ito pag-usapan pa ang problema niya sa puso. Gusto niya na kasi tuluyang makalimot.

"Rhian.. isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin, okay? Pero hindi na magbabago desisyon ko.. Kaya sana lang... kahit papano, maging civil na lang muna tayo sa isa't isa for tomorrow's event... I-set aside at kalimutan muna natin lahat ng nangyari. Kaya ko pa rin naman makipagtrabaho sayo nang maayos e.. So, umaasa akong ikaw din.. And maybe we can still do fan service lalo na bukas.. for the rebels. Para maging masaya sila. Alam ko kaya mo rin naman yun, diba?"

Hindi makasagot si Rhian. Kaya nga ba niya kumilos as if wala lang nangyari??? Naisip niya na bakit ganon lang kadali kay Glaiza sabihin yun? Parang on and off switch lang ang peg nila??? Off switch muna this time, and the next day, pipihitin lang pa-on pag feel na? Tsk tsk.

Hinintay ni Glaiza sumagot si Rhian pero ilang segundo na eh hindi pa rin ito nagsasalita kaya naman minabuti niya na lang na magpaalam na.

"Sige na.. Una na ko."

"Do you think it's that easy?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rhian.

Hindi na sumagot si Glaiza bagkus ay sinimulan na nitong paandarin ang sasakyan.

Naiwan si Rhian sa kinatatayuan.. na nakanatanaw lang sa papalayong sasakyan. She just got more hurt.ᕙ:(

Glaiza, how could you be so cruel? ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ

~~~~~~

JULY 4, Saturday noon

One hour na lang before bumyahe ni Glaiza kasama ang mama niya patungo sa Montalban. Preparing na siya for the said event. Napansin niyang papasok sa bahay nila si Alchris. Galing ito sa pag-babasketball sa labas kasi rest day nito pag weekend.

"Uy tol.. Ikaw na bahala dito ah, aalis na kami ni mama maya-maya." Sabi ni Glaiza sa kapatid.

"Oh sige.. ako nang bahala. Good luck sa mall show nyo mamaya. Sinabi ko nga sa mga barkada ko na taga-Rizal na manuod dun e."

#RaStroIsReal < Reel to Real >Where stories live. Discover now