Kabanata 9

2.7K 127 13
                                    

Kabanata 9

The player



NALE'S POV

"Wanna come with me?"

"No, mom," sagot ko pagkababa ng kotse ko. Bumaba na rin siya at lumapit sa 'kin.

"Why? I can go with you and process your papers right away," aniya na kunot na kunot ang noo. Magkaka-wrinkles talaga siya agad pag ganyan.

"I...I need to check something first," pagdadahilan ko.

She raised her eyebrows and walked away. Umiiling iling pa ito habang naglalakad papalayo. Ano na naman kayang problema niya? Mabuti nalang talaga at hindi niya na ako pinilit pa.

Kinuha ko ang payong kong dilaw bago tuluyang isara ang kotse ko. Nagbabadya ang panahon kaya paniguradong uulan. Naglakad ako palabas ng parking lot at pumunta sa pinaka-main gate ng school. I saw the guard kaya agad akong lumapit dito. "Good morning, sir," bati ko.

"Good morning po."

"Itatanong ko lang po sana kung nagbibigay ba ng information ang registrar if dito naka-enroll ang isang student," ani ko. I can't ask my mother about it because she will answer me with a question too.

"Ay, sir, hindi ko lang po alam eh," ani kuyang guard.

"Ah sige ho salamat," ngiting sagot ko rito. Bigla namang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa ko at nakitang tumatawag si Mike.

"Ano nasaan kana?" tanong niya sa kabilang linya.

"Nandito ako sa guard house. Sa main gate."

"Nak namputcha! Anong ginagawa mo diyan? Nang-chi-chicks kana agad? Hahahahahaha!"

"Gago, hahaha. May maganda ba rito?" malokong sabi ko.

"Marami tol! Pag may nakita ka halikan mo agad!"

"Hintayin mo lang."

"Wala namang papalag sa'yo hahaha!" natatawang aniya. Bigla namang bumuhos ang ulan.

"Umuulan na pre, maya nalang tayo uli mag usap," paalam ko sa kanya. Sumang-ayon din naman siya dahil may gagawin pa raw siyang assignment.

Ibinalik ko na ang cellphone ko sa bulsa ko at saka binuksan ang payong ko para pumunta sa main building ng school. Hahakbang na sana ako paalis nang may mapansin akong babae. Kunot na kunot ang noo nito at basa ng bahagya ang uniform niya. Hindi niya ako napansin dahil parang nag iisip siya kung paano niya tatakbuhin ang daan.

Tinitigan ko siya nang mabuti. At hindi nga ako nagkakamali.

Siya ang babaeng hinahanap ko.

Ang babaeng paglalaruan ko.

I smirked. Kung sinuswerte nga naman. Hindi ko na kailangan mag hanap sa list ng mga official enrollees.

Lumapit ako sa kanya nang hindi niya napapansin. Hindi nawala sa paningin ko ang pagkabigla niya nang payungan ko siya. Tumingin ito sa akin ng marahan. Hindi ko alam pero natatawa ako sa reaksyon niya. Hahaha!

"What? First time mo bang makakita ng gwapo?" nakangising sabi ko.

I waited for seconds and minutes for her reply, but she didn't say anything. Speechless, eh?

"Tara," I said. At saka palang siya parang nahimasmasan.

"Ha?"

Mister Red Flag (ON GOING REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon