Kabanata 2

6.7K 181 3
                                    

Kabanata 2

Snub


Another day, another slay!

Another day, another slay!

Another day, another slay!

Another day, anoth---

Inis kong pinatay ang alarm clock ko. Boses ko iyon na ni-record ko at sinet ko bilang morning alarm. Mabigat ang katawan kong tumayo ng kama at dumeretso sa banyo. Meron ako ngayon kaya tinatamad akong kumilos pero waka akong choice kundi pumasok.

Isang oras din bago ako matapos mag ayos at saka bumaba. Agad namang bumangad sa 'kin si mama na nakaupo sa sofa na may hawak-hawak na libro.

"Good morning, Ma!" bati ko sa kanya. Kauuwi niya lang galing trabaho. Umaga na talaga siya nauwi kung minsan. She's a psychiatrist.

May project silang ginagawa ngayon sa hospital na pinapasukan niya. I don't know the details pero that's the reason why she's busy lately. Minsan ay doon siya nauwi sa condo ng kaibigan niya na kawpa niya psychiatrist.

"Good morning, anak. Papasok kana? Okay na raw ang sasakyan ko. You can use your car na."

"Yes, ma. Si Alysa ay mamaya pa raw," sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. Ngumiti lang siya sa 'kin at kumaway.

Sumakay na agad ako sa kotse ko at nagmaneho papuntang school. Pinarada ko agad nang marating ang car park. Laking pasasalamat ko talaga sa tito ko sa pagturo sa 'kin mag drive ng kotse. Ang haggarad kasi mag commute. Isa sa kinaiingitan sa 'kin ni Alona ang pagkakaroon ng kotse. Mayroon daw kasing magtuturo sa kanya, ang kaso wala siyang kotse. First step pa lang raw ay mahirap na.

Nang maayos na ang lahat at mga gamit na kailangan ko sa klase ay bumaba na rin agad ako.

Papasok na ako ng lobby nang may humila sa akin at dinala ako sa hindi mataong lugar!

"Fuck! Bitawan mo ko---Chase?!" Gulat kong sabi nang makitang si Chase pala iyon. "Why the hell did you drag me out here? I have class!"

"I know, I just want to talk. I want to say sorry," aniya at hinawakan ang kamay ko.

"Para saan? At saka if you want to say something pwede naman mamayang lunch!" inis kong sabi.

"H-Hindi ako mapakali. Iniwan kita kahapon."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Sanay naman ako roon! 'Wag kang mag alala, okay?"

"Alisha..." Nagsusumanong pagtawag niya sa pangalan ko.

"Why are you doing this? Tapos na tayo hindi ba? Okay na tayo, napagusapan na natin 'to Chase."

"I still love you..." aniya at niyakap ako.

What the hell!

"You don't. Akala mo lang 'yon. What you really love is your fucking game, those computer games!" Nayayamot kong sabi. Napabuntong hininga ako at pilit na kinakalas ang pagyakap niya. Nang tuluyan akong makawala ay hinili niya ako uli at hinalikan sa labi!

Nanigas ang katawan ko at nanlalaki ang matang nagulat sa ginawa niya!

At mas lalong nanlaki ang mata ko nang mapansin kong ang isang matangkad na lalaki na nakatayo sa hallway, nakatingin sa 'min.

Yung lalaki kahapon!

Blangko lang ang itsura nito na nakatingin sa 'min. Nang mahimasmasan ako ay buong pwersa kong tinulak si Chase at tumabok palayo.

Mister Red Flag (ON GOING REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon