Slow Days, Safe Spaces

1 0 0
                                        

Pagkatapos ng gulong nangyari kina Leon at Jeremiah, inakala ko tapos na ang lahat.
Pero hindi pala.
Doon pa lang nagsimula ang tunay na pagbabago.

Si Leon, hindi na talaga ako iniwan.

Sa bawat paglalakad naming sabay, sa pagsalo niya sa mga gamit ko, sa pagtingin niyang laging nauuna pang makaintindi kaysa magsalita, doon ko nakita kung gaano ako naging safe sa kanya.

At sa bawat sandaling kasama namin si Niel. Ang hyper, loud, at brutally honest niyang best friend. Mas lalo ko naramdaman na welcome ako sa mundo nila.

"Hoy, Lianna," bungad ni Niel habang naglalakad kami, "kung sinaktan ka pa ulit ng ex mo, ako na bahala. Ilalaban kita kahit saan. Kahit sa dean's office."

Napatawa ako. "Bakit dean's office?"

"Kasi may aircon doon. Ayaw ko lumaban sa init."

Napailing si Leon. "Ignore him. Ganyan talaga siya."

Pero halata ang ngiti niya.

Sa mga araw na lumipas, mas lalo nilang nakilala yung totoong ako
hindi 'yung babaeng takot, hindi 'yung iniwan,
kundi yung Lianna na may boses at kaya nang ipaglaban ang sarili.

When I Chose MyselfWhere stories live. Discover now