"Masaya pa ba ako? o pinipilit ko lang kasi malapit na at malayo na ako" ayan mga tanong ko sa sarili ko, simula una palang ayoko na ng kursong ito pero sinabi nila lagi sa akin: "mapapakain ka ba ng passion mo na yan?"
At sa totoo lang, ang dami kong pinagdaanan bago ko nakilala ang tunay kong passion. Noong una pa lang, sabi nila dapat daw sundin ko kung ano ang gusto ko... pero hindi iyon ganun kadali. Habang tumatagal ako sa kursong napili ko, ramdam ko araw-araw na parang lumalayo ako sa sarili kong pangarap.
"Oh Lianna, nasan na naman ba utak mo? Tulala ka na naman diyan." Tanong ni Francine habang inaalog ng konti ang braso ko.
"Ah, wala... pwede ba ako magsabi ng nararamdaman ko?"
Nagkatinginan kami. Naging seryoso ang mukha niya.
"Oo naman, ano ba 'yan?"
Huminga ako nang malalim.
"Gusto ko na mag-shift, Francine. Hindi ko na kaya tapusin 'tong kursong 'to. Habang tumatagal, lumalayo loob ko. Hindi dahil sa nangyari — pero ayoko na talaga. Gusto ko ng Multimedia Arts. Hindi dahil sa ex ko o kahit sino. Gusto ko 'yun. Passion ko 'yun. Sana hindi ako nakinig sa sabi-sabi nila na sinusundan ko lang yung ex ko..."
Tumigil ako, kasi naramdaman ko nang tumutulo na yung luha ko.
Mahinahon niya akong hinimas sa likod. "Okay lang 'yan. Mag-ask ka na kay tita. Alam mo namang supportive siya, 'di ba?"
"Pumayag siya... pero iniisip ko lahat ng sakripisyo niya. Maigapang lang ako sa kursong 'to."
"Lianna, isipin mo rin sarili mo. Halata nang nasasakal ka na. Hindi mo kasalanan kung gusto mong lumipad sa ibang direksyon. At 'yung ibang tao sa paligid mo? Wag mong problemahin."
Napangiti ako pero iyak-halo-tawa.
"Magwo-working student ako. Tutulungan ko si mama. Francine... wag mo akong kakalimutan pag nasa kabilang building na ako, ah?"
"Ano ka ba! Araw-araw tayong sabay kumain!"
Sabay yakap niya sa akin nang mahigpit.
"Be happy please... and take care."
YOU ARE READING
When I Chose Myself
Short StoryA story of a young woman who finally chooses her passion after years of doubt, fear, and emotional scars left by the wrong people. As she shifts to a new course, she discovers not only her strength but also someone who sees her worth-and chooses her...
