Chapter 2

130 4 3
                                    

Chapter 2 – Hiya

           [A/N: Hello! I will be updating daily. Or kung kelan lang gagana utak ko. Haha! But I'm really really sure na matatapos ko to. 15 Chapters lang kaya ko. HAHA! Based on actual happenings yung iba at yung iba dagdag dagdag ko lang. 

           This episode features that little kid at Tacloban who sells keychains. That scene is based on a true to life happening. I miss that kid. Haha. Enjoy reading!]

                Ano ba meron sa mundo? It’s so confusing, you know?! Chos, English yun ah! Tsaka, di ko maintindihan yung mga bakla. Hindi naman sila nanganganak pero yung population nila increase lang ng increase! Tapos ang daming pogi dito sa mundo pero its either taken sila o bakla. Ang sayang lang nila eh! Sayang ng sobra! Kung kelangan ko magpaputol ng daliri para tumino yung mga gwapong bakla, aba, di ko gagawin! Kala niyo ha! :P

                “Hoy, anong minumukmok mo diyan?! Nasa astrodome ka na oh. Baba na.” sabi ni Kuya Matthew habang inaabot niya yung kamay niya.

                Sa sobrang lungkot ko, di ko na namamalayan kung anong nasa paligid ko. Lutang yung utak ko oh. </3 Hindi naman si Mr. Highlights yung  unang baklang nagustuhan ko, (yung isa, crush ko nung elementary pa ako tapos college na siya ngayon pero “I Like A Boy” parin.) pero ang sakit lang kasi! *With matching hampas sa pader*

                Napawi bigla yung lungkot ko pagpasok ng Astrodome. Ang laki at ang lamig! Ang galing naman ng mayor nila! Sa termino kasi ni Romualdez napatayo ang Astrodome. (Hey Romuladez! You make bayad your advertisement fee and my talent fee!) Ang daming tao. Kala mo may patay eh. Lahat nakasuot ng puti. HAHAHAHA.

                “Aba Kelsey, wag ka tumunganga diyan at tumulong ka maghanap ng mauupuan natin.” Sabi ni ate Lisa. Sorry ha! Na-Amaze lang!

                Nang nakahanap na kami ng upuan, biglang nagtext yung super-duper-ultra-mega crush ko na si Calvin. Ehmeghed. Waa! Sasabihan ko na sana si Ate Lisa nang biglang…

                “Uy Kels, crush mo oh.”

At nung inangat ko yung ulo ko, yun na nga siya. The love of my life <3. Joke. Yung crush ko. Hay nako Lord, mahal mo talaga ako no? Dalawang crush ko nagparamdam at the same time. Yiie. Kiligmats. HAHA! Pero teka. Diba dapat galit ako sa kanya kasi bakla siya? Okay. HMM. TRANSFORM!

                “Hayaan mo na. Bakla daw eh.” Inis kong sinabi. Ouch. </3

                “Ha? Sinong bakla?” Tanong ni ate Lisa habang nagtitext.

                “Si Highlights teh.” Matamlay kong sagot.

                Lumaki yung mga maliliit na mata ni Ate Lisa, Laglag panga sabay sigaw “HA? BAKLAAA?!”

                “SHH!” at tinakpan namin yung bibig ni Ate. Kahit kelan talaga ang ingay-ingay ng babaeng ito.

                “Pasensya! Pero seryoso, bakla?” Tanong ulit ni ate Lisa.

                “Oo nga! Unli lang? Pa-ulit ulit?!” Pang-asar ni Kuya Matthew.

                Agad kaming natahimik nung nagprayer at Pambansang Awit na. Pagkatapos nun, nagsiupo na kaming lahat at may nag welcome address echos na. Kaunti lang naman nakikinig sa mga ganyan kaya back to topic na kami tatlo.

My Prince is a PrincessWhere stories live. Discover now