Nakaupo ako sa tapat ng isang store habang tinitingnan ang tarpaulin ng isang babae. Hawak ko nang dalawang kamay ko ang milk na iniinom ko, na ibinili ko sa grocery na nadaanan ko kanina.
Anastacia Smith.
Siya ang babaeng nasa tarpaulin, endorser siya ng isang mamahaling shampoo. Kilala siya ng lahat dahil maganda siya. Napaka perpekto niyan tao, napaka yaman, napaka daming proyekto bilang model at endorser.
Nawala ang tuon ko roon nang dumating ang bus. Tumayo na ako at lumapit sa bus para sumakay. Umupo ako sa bandang dulo at inilabas ang wallet para kumuha ng pera. Ngayon araw, ay papasok ako sa kilalang University. Ang Aurea University na kung saan maraming mayayaman at sikat na tao. At ako? Huwag niyo na tanungin.
Iniabot ko ang bayad ko sa konduktor, at tumuon ang tingin sa bintana. Napabuntong hininga ako dahil ang sarap mabuhay ng simple. Walang mag-aabala sa'yo, walang mambabastos sa'yo, walang mananakit sa'yo, at walang mang-aapak sa'yo.
Ilang minuto na lamang ay nakarating na ako sa Aurea University. Maraming istudyante ang bumungad sa akin na kitang-kita ang saya at excited sila pumasok. Lumakad na ako para hanapin ang magiging room ko.
Napakalaki ng University, pakiramdam ko nga ay maliligaw ako. Mayroon malaking stadium para sa sports, meron mga bench at park na tambayan ng mga istudyante, may canteen na sobrang lawak at panigurado ay mahal ang pagkain. Iniisip ko pa lang, dapat nagbaon na lang ako. Magandang University ito sa lahat dahil akala mo ay nasa mall ka. Gusto mo na lang dito manalagi kaysa sa bahay.
Biglang may bumangga sa akin.
"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaan mo?" pagbungad sa akin ng isang babae. Makapal ang make up, nakataas ang kanyang makapal din na kilay.
Hindi ako nakapagsalita.
"Apat na nga ang mata hindi man lang gumilid," sabi naman ng isa. Makapal din ang make up niya at sobrang taas ng tali ng buhok na pwede na umabot sa Eiffel Tower.
"Hindi ko alam na nasa likod ko kayo," sabi ko.
"Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo. Hindi ikaw ang may-ari ng school na 'to para lumakad ka sa gitna," sabi muli nung nakabangga ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "In your dreams." Sabay irap at alis sa harapan ko.
Mahabang pasensya, Ysha. Napapikit ako ng mariin at bumuntong hininga. Lagi ko naman pinalalagpas ang mga ganoon tao. Wala naman ako magagawa sa ugali na meron sila. Ang kailangan kong gawin ay magtimpi.
Lumakad na muli ako at pumasok sa isang building. Inilabas ko ang papel na prinint ko para tingnan kung saan room ako. Nang makita ko ay pumasok ako. Nakita kong marami na nandoon at kanya-kanya sila ng ginagawa. Nakita ko rin sa bandang dulo ang dalawang babae na nakabangga ko kanina. Malas, kaklase ko sila. Humanap ako ng bakanteng upuan. Nakakita naman ako agad na malapit sa bintana, umupo ako at ibinaba ang bag ko.
Nagulat ako nang may bumato sa akin, isang nilukot na papel. Lumingon ako sa taong gumawa non, at isang lalaki na medyo malayo sa akin. Nakatingin ito sa akin habang nakangisi.
"Akala ko basurahan, tao pala," pagsalita niya.
Tumawa ang ilang istudyante. Hindi ko pinulot ang lukot na papel, hindi naman ako ang nagkalat non. Tumingin na lang ako sa labas. Hindi talaga mawawala ang mga kinaiinisan nating ugali sa mga kaklase. Wala naman tayo ginagawa pero sila ang lapit nang lapit. Kulang siguro sa atensyon kaya nagpapapansin.
Napaka daming nag-aaral dito. Halos mga mayayaman, nakita ko kanina sa labas na puro sila nasa sasakyan. Napaka ganda ng mga dala nilang bag, maganda rin ang uniform na tila mahal ang pagkakabili, mga halos naka make up ang mga kababaihan na para bang may contest, may mga suot na mamahaling relo, alahas at mga kagamitan tulad ng cellphone.
YOU ARE READING
The Pretty Secret Of A Nerd
Teen FictionYsha, a quiet transfer student at Aurea University, never belonged to the world of the rich and perfect. With her glasses, curly hair, and simple uniform, she was quickly labeled the nerd. But behind her shy smile lies a secret no one could ever ima...
