I didn't mind though.
It’s the only thing I know I love.
The days continued with me waiting for their messages, Adelaide was MIA on the second week though. He must've been so busy exploring California.
“Kalee, dumating na yung electric guitar na pinabili mo,” ani Clara sa may pinto, nakasilip kung ano ang ginagawa ko.
Ngumiti ako sakaniya at ibinaba ang pick na kinuha ko sa box niya kanina, “Salamat, Clara” I followed her downstairs.
When I saw the box, I couldn't help but squeal! I was so happy.
Manang Nora ordered it for me, since I'm still a minor—and my funds are in her hands.
“Ito gunting nak, nagpapakahirap ka diyang mag punit,” abi ni Manang Nora matapos maabotan akong nakaupo sa sahig at pinipilit buksan ang parcel.
My hands hurted because of the thick cardboard, but I don't mind. I just found myself excited for this one. . which was a weird feeling.
“Salamat Manang Nora!” I couldn't contain my happiness, sa pansin nga nila—tumulong na rin sila Terisita sa pagbubukas.
Nang makita ko ang deep red at black na color ng gitara, halos halikan ko na iyon pero pinigilan ko ang sarili ko.
Tumikhim naman si Mang Kanor, “Yung amper nak, nadala ko na sa kwarto mo” nakangiti niyang sabi bago punasan ang pawis gamit ang bimpong nakasabit sa leeg niya.
Niyakap ko naman siya atsaka si Manang Nora para sa pagbili ng hiling ko, yun kasi ang wish ko noong January—kaso matagal daw ang shipment kaya ngayong April pa dumating.
Dali-dali kong dinala ang kauna-unahang electric guitar ko sa kwarto ko, at magdamag na pinag-aralan iyon.
Umabot pa nga sa puntong halos gusto nalang iparenovate nina Clara ang kwarto ko para raw 'sound proof', dahil sa sobra kong pag p-practice ang ingay ng bahay.
“Pero nak, ang galing mo na mag gitara,” bulong ni Manang Nora saakin, isang hapon ng Abril. Ang kamay niya ay nakapatong sa balikat ko, niyayakap ako patalikod.
Hinawakan ko ang kamay niya, at napansin ang kaunting paggaspang noon kesa sa huli ko siyang nahawakan.
Tumingin ako kay Manang Nora, “Talaga ba Manang?,” asar ko, baka mamaya binobola lang ako nito.
Ginulo niya ang buhok ko, “Oo naman nak, nasisiyahan ako. . . kasi first time mong humingi saamin ng ganoon, pero sayo naman talaga yung perang ginastos,” tumikhim siya, may ngiti pa rin sa labi, “pero, alam mo yun? yung first time humingi ng batang si Kalee? nasiyahan kami nak,” I smiled.
Oo nga naman. Kailan ba ako huling humingi ng gamit? ng candy? hindi ko na maalala.
“Tugtugan mo kami lagi ha?,” tiningnan niya rin ako, magkasingtangkad na kami ni Manang, pero parang dati kailangan ko pang tumingala sakaniya. . .
I softly smiled, “Sure Manang,”
We talked more, while watching the sun set, the trees slowly rock themselves against the wind, and the air turned cold—I stood there with Manang, and it’s comforting, to know that someone loves you still.
TSABC | 2
Start from the beginning
