Nagsimula na ang boring na assembly. Muntik na ngang makatulog si Barbs habang nakatayo e! Bago kami pumunta sa classroom namin, may announcement si Panot.

"Announcement! Mamayang 9am ipopost ang Honors Class per year level for the highschool department sa Registrar's Office. Kung sino man ang kasama sa Honors, kindly report to your class advisers before the day ends. Claro?"

Napamura na naman si Barbs. "T@ngina Honors na naman! Sakit na naman to sa ulo bwiset!"

"Chill lang teh! Masyado ka namang mainit e!" -- Rocky.

Teka, ano nga ba ang Honors Class? Isa yung klase kung saan magkakasama ang Top 25 students ng isang year level. In short, halu-halo an students mula Archi at Soc.

MAGULO NOH!?!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Barbs' POV)

SCHOOL CANTEEN

"Actually," medyong mahinang sabi ni 9 kay Chester. "Barbs has a point. What's the use of having this quote Honors Class unquote? Naisip ba nila na baka mag-away ang Archi at Soc coz of payabangan? Kung mas marami ang taga-Archi sa HC, magagalit yung Soc. And vice versa. And duh! Anong akala nila satin, a US school? Think naman guys!"

Napanganga ako sa sinabi nya. "Wow naman 9! Is that you!?"

9: Shut up, tomby!

Ako: Anong tomby ka dyan!?!?

Rocky: Hey! Wag nga kayong maingay! Nagcocompose ako dito!!! (kay Vivien) Bibi! Patigilin mo nga sila!

Vivien: Barbs, 9 please tahimik na okay? We're busy.

Pag si Vivien na ang nagsaway samin, kailangan na talagang tumigil. HAAAAAAAAAAAY buhay! 3 day of classes pa lang kaya super boring. Buti pa tong tatlong to may ginagawa! Si Vivien nag-aaral ng Math, si Rocky nagcocompose ng kanta at si 9?? Well, she's being 9. Ayun, nagmemake-up. Kainis.

Palagi nga akong napapaisip e (WOW MEGANON!), pano ko ba naging kaibigan tong tatlong to? Tignan nyo ha, isang nerd, isang rockers at isang.. maarte na malandi na conyo na ewan!?!?!?

Actually, matagal ko nang kakilala tong tatlong to. Classmates ko since Grade 2 sina Rocky at  9, tapos si Vivien naman naging kaklase namin nung Grade 5. Una, ayoko kina Rocky at 9. Ang aarte kasi nila, lalo na tong si Hapon! Mga spoiled brat kasi e. Sila tong palaging pinagkakaguluhan ng teachers pag may presentations, muse competitions etc. Saktong barkada ko nun sina Wes at Chester kaya hindi namin sila pinagpapapansin, puro basketball lang! Si Vivien naman, super duper tahimik. Puro Math at English ang palaging pinagtutuunan ng pansin. 2 lang ang kaibigan nya nung Grade 5. Eventually nung Elementary Graduation, sya yung naging Valedictorian namin. Naman! Sinong makakatalo sa average nyang 98.3?!? Salutatorian nun si Chester, na 95.4 lang ang average. San ka pa!?

Pagdating ng highschool, natapat samin ang bagong system na hindi na magbabago ang classmates. At first I dreaded that idea. 4 YEARS! 4 YEARS KONG KASAMA TONG MGA HINAYUPAK NA TO!? Lalo na ang Clueless Duo na sina Rocky at Hapon!? Buti na lang talaga at kasama ko sina Chester at Wes dito. Kung hindi!!!!

If I Fall (Taglish)Where stories live. Discover now