PROLOGUE

372 9 9
                                    

Hoy Kuya! Manhid Ka ba?

By: Skyesha

March 31,- April 8, 2013


*A/N*

Ang lahat ng nakasulat dito ay pawang dala lamang ng matinding gutom :D Diet kasi ako ngayon kaya dito na lang ako nakatuon. HAHA!! Mangyari lamang na unawain ang ano mang ka-emo-hang laman ng istoryang ito sapagkat ganoon talaga. Hayaan niyo na. 'Yong iba nga walang makain eh :p

I, Thank You! :))))

PROLOGUE...

Siguro marami sa inyo ang naiinis dahil nagkaroon kayo ng Kuya na hindi niyo naman kasundo. Puro utos dito, utos doon, ang sungit pa. Bawal 'yan, bawal 'yon, ang KJ pa! Hindi ba nakakapikon? Minsan parang ang sarap hilingin na sana wala na lang kayong naging kuya. Na sana kayo na lang ang panganay.

Siguro nga...

Pero ibahin niyo ako. Kung tutuusin nga naiinggit ako sa inyo. Gusto ko kasi ng kuya. Kung pwede lang siguro manghingi at mamigay ng kuya, edi siguro wala tayong mga problema. Gusto ko ng kuya na mag-aalaga sakin. Kuya na mangungulit at mang-iinis pero alam kung kailan dapat maglambing. Kuya na kasama ko sa lungkot at saya.

Gusto ng kuya, kuya na WALA naman ako. :((((

Pero isang umaga, nagising na lang ako na parang natupad lahat ng prayers ko. Paano?

May kuya na ko!! :)) kaya ang saya saya ko!!

Imposible pero totoo.

May kuya na ko! ♥

Wala na siguro akong mahihiling pa. Taglay niya na kasi lahat ng hanap ko sa isang kuya. Pareho kaming masaya sa isa't-isa.


Kaya lang biglang nag-iba...


Biglang nagkaroon ng problema T_T

Ngayon. . . . . .



Natatakot akong mawala siya. </3

Hoy Kuya! Manhid Ka ba?Where stories live. Discover now