Chapter 2

14 0 0
                                    

Hoy Kuya! Manhid Ka Ba?

=[ Chapter 2 ]=

Author's Point of View:

"Ate, saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap nila mama eh. Ayan tuloy, hindi ka kasali sa picture" sabi ng kapatid ni Bea.

Tatlong araw na sila dito at talaga namang sinusulit ni Bea ang bawat araw. Nakakaaliw kasi ang lugar.

"Waaa!! Ang daya!! Ulitin na lang natin!!" pagpipilit niya.

"Pahiram ng cam!!" iniabot naman ito sa kanya ng kapatid.

"Bakit, anong gagawin mo?"

She grins, sabay sabing "Buburahin ko mga picture niyo, kasi dapat kasama ko!!!"

"Hala! Mamaaaaaaaa!!! Si ate oh!!! Buburain daw ang mga pictures natin kasi wala siya. . ." pero bago pa man makapagsumbong ito ay nagtatakbo na siya.

"Habulin mo ko =D" panunuya ni Bea sa kapatid.

"Ate! Kapag ikaw nahuli ko! Hmp! HAHA!"

"Anong gagawin mo? ;P"

"Secret! =D"

"Haha! Secret ka pa diyan.. Hindi mo naman ak-. . . "

BLAGAAAAGSSSS!!

"Aray ko =(" daing ni Bea sa kinahantungan ng kanyang sarili sa pakikipaghabulan sa kapatid.

"Ate! HAHA! Ayan kasi! =P" pang-aasar naman ng kapatid sa kanya.

"Bea, ayos ka lang ba? Sorry ha. Hindi ko sinasadya." Dagling paumanhin ni Bren. Siya pala ang nakabanggaan ni Bea at ngayon ay pareho silang nakahiga sa buhanginan. Oo, nakarating sila sa labas ng hotel na tinutuluyan dahil sa paghahabulan nila.

"Ano kasi. . . Hindi. . Ah, eh. . Sorry. Ako yung may kasalanan. Hindi kasi ako tumitingin sa- . . . . . Ay tokwa!!" hindi na nagawang tapusin ni Bea ang pagpapaliwanag kay Brean ng biglang...

"Gotcha!! HAHA! Excuse po ah, kukunin ko muna si DSLR. Sige lang kwentuhan muna kayo ni ate :'>" pang-aasar ng kapatid niya at itinakbo na ang camera nila.

"Nakakapagod." sabi niya kay Bren habang hinihingal pa.

"Hehe. Eh bakit ba kasi kayo naghahabulan ng kapatid mo?" inalalayan naman siya nitong tumayo.

"Wala lang. Haha. Dahil sa camera =D"

"Ahh. Ang kulit niyo naman =)"

"Hindi naman. Sakto lang. Ikaw Bren, may kapatid ka ba?" naisingit niya bigla.

"Oo. Apat kami. Ako bunso. Puro nga kami mga lalaki eh." pagsasaad nito.

"Talaga??? WOW!!! Buti ka pa." mula sa masiglang boses ay bigla itong nagbago ng sabihin niya ang 'buti ka pa'. Nagtatakang sinagot siya nito ng isang tanong.

"Oh, bakit? Anong ibig mong sabihin na buti pa ako?"

"Ah, eh, kasi buti ka pa maraming kuya. Ako kasi ni isa wala =c" nalungkot siya bigla.

Bakit, nandiyan naman si onii-chan ah? Sabi ng kabilang bahagi ng isip niya.

"Ah, ganoon ba? Wala ka palang kuya."

"Wala eh. Panganay kasi ako. Gusto ko nga ng kuya eh. Kaya kahit kuya-kuyahan lang okay na." napangiti naman dito si Bren.

"Bakit ka nakangiti? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" pagtataka niya.

"Alam mo, tingin ko. . . HINDI mo kailangan ng kuya. . ." diretsong sabi nito.

"Eh? Bakit naman? Paano mo nasabi, eh gustong-gusto ko nga eh. ;(("

"Hindi mo kailangan ng kuya." nakangiti pa rin ito. "Alam mo kung anong kailangan mo?"

"Ano?...."

"Boyfriend! Boyfriend and kailangan mo hindi kuya."

Hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Bren.

"Hindi ah!! Paano mo naman nasabi?" agad na pagtanggi niya sa kabila ng kalituhan.

"Sige nga, sabihin mo sa'kin kung bakit gusto mo ng kuya?"

"Gusto ko ng kuya kasi gusto ko ng may mag-aalaga sa'kin."

"Tapos?...."

"'Yong tipong aasar-asarin ako at guguluhin ang buhok ko pero alam kung kailan ako seryoso at malungkot. . . 'Yong ii-spoil ako pero alam pa rin ang tama sa mali."

"So 'yon lang?" Nakangiti pa rin ito na waring hindi nakuntento sa dahilan ni Bea para sabihing kuya nga ang kailangan niya at hindi boyfriend.

"'Tsaka ano. . ." bahagyang napaisip si Bea.

"Ahm. . . 'yong ano, kikilatisin niya muna lahat ng gustong manligaw sakin bago ako payagan na magkaboyfriend. At ipagtatanggol ako kapag sinaktan ako ng isa man sa mga 'yon."

"Ahh. . . Okay. . ." nakangisi na lang na sabi niya at nalipat na sa iba ang usapan nila.

Hoy Kuya! Manhid Ka ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon