Nagsimula ang klase pero si Lianne walang sinabi sakin kundi ang kasayahan niya dahil sa sweetness ni Russel sakanya kagabi. Parang baliw lang.

"Namiss nyo talaga 'yung isa't-isa ah." Sabi ko sakanya.

"Oo," Sagot niya at ngumuso pa sa harapan ko kaya hinampas ko siya ng notebook ko. Tumawa na lang kaming dalawa ng patago dahil baka mahuli kami ng professor namin. 

"Hindi ko alam gagawin ko kapag nainlove sa iba si Russel," seryoso niyang sabi kaya nilingon ko siya at nakita kong nakatitig sya sa notebook niya. Hinawakan ko ang kamay niya dahil nakita ko sa mga mata nya 'yung takot at lungkot.

"Sabi nila, kapag nainlove ang lalaki, sobra raw. Mahal ka ni Russel, imposible 'yung iniisip mo." Sabi ko sakanya habang nakangiti pero tumingin lang sya sakin na nagaalala. Kinurot ko na lang 'yung pisngi niya para mawala 'yung iniisip niya. 

Tumingin ako sa pintuan at nakita kong dumaan si Clinton kasama ang mga kaibigan niya. Tumingin lang ako sakanya dahil nakita kong nakatitig sya sakin hanggang sa makalagpas sila sa classroom namin. 

"Pero anong sa tingin mo ang magiging dahilan kung bakit maghahanap ng iba si Russel?" Tumingin ulit ako sakanya dahil sa tanong nya. Hindi ko alam. Wala naman kasi akong alam sa isang relasyon. 

"Hindi sya marunong makuntento?" Patanong kong sagot kaya ngumuso sya at tumango. "Come on, Russel loves you so much, hindi ka nya iiwanan para sa iba." Ngumiti sya ng malapad at tumango sakin. 

Nang natapos yung klase namin ay pumunta na kami sa cafeteria dahil nagugutom nanaman kaming dalawa.

"Hindi ba nagsasawa 'yung prof na 'yun na bigyan tayo ng assignment?! Ugh. By pairs pa!" Reklamo niya. "By pairs na hindi tayo pwedeng maging pair! Ang daya naman!" Hinayaan ko siyang magreklamo ng magreklamo dahil sa assignment na pinapagawa ng professor namin. Tumingin na lang ako sa mga pagkain sa harapan ko. 

Mag-pasta kaya ako? Engk. Hindi naman masarap 'yung pasta nila dito.

"Problema?" Lumingon ako kay Russel na kakarating lang. Lumapit agad sya sa girlfriend niya na nakabusangot ang mukha.

"We have this very complicated assignment, and gosh! Dapat lalaki ang ka-partner." Sabi ni Lianne sa boyfriend niya. Sumbong na ata yun? Hindi na sabi? Whatever.

"Pare-sched na ba kami para maging partner tayo--"

"Ugh! Stop PDA-ing, guys!" Saway ko sakanila kasi biglang nilapit ni Russel 'yung mukha niya kay Lianne. Sabay naman silang tumawa kaya umiling na lang ako sakanila.

"You know what? Maghanap ka na ng boyfriend mo para di ka na bitter sa mga nagp-PDA." Suggestion ng walanghyang kaibigan ko.

"And even if magka-boyfriend ako. Hindi kami magp-PDA. Tsk." Umalis ako sa harapan nila nang tawa sila ng tawa. Why am I even friends with them? Tsk. 

Hinayaan kong tumabi ulit sakin si Gio habang kumakain. Hindi naman nya ko ginugulo kaya bahala sya sa buhay niya. 

Naramdaman kong umikot 'yung paningin ko kaya itinigil ko ang pagkain ko para ipikit sandali ang mga mata ko. 

"Are you okay?" Tanong agad ni Russel nang napansin niyang tumigil ako sa pagkain. Iminulat ko ang mata ko at tumango sakanya. 

"Yes." Sagot ko at kumain na lang ulit para hindi na sila magtanong pa. 

Bumalik na kami kaagad sa classroom nang natapos kaming kumain, inirapan ko si Lianne at Russel dahil naghalikan sila sa harapan ko.

"At sa harapan ko pa talaga, bastos ng mga 'to." Panunuya kong sabi. Tumawa sila ng tumawa dahil sa sinabi ko. Lumingon ako kay Gio na natawa rin. Ngumiti na lang ako at umiling sakanilang tatlo. 

"I can kiss you." Pabirong sabi ni Gio kaya tinaasan ko siya ng kilay. 

"You can kiss the floor." Pang-aasar ko at ang dalawang walanghiya na sina Lianne at Russel ay tumawa na parang walang bukas. 

Kinagat lang ni Gio ang labi nya habang nakangiti sakin. "Whatever, guys." Pumasok na ko habang silang tatlo ay tumatawa parin. Nakita ko si Penelope na nakatingin sa labas, tinitignan ata si Gio. She really really loves him, huh. 

Inisip ko 'yung ginawa ko kay Gio nung nakaraan. Hindi ko rin alam kung bakit sinaktan ko sya. Bakit ko nga ba sya pinaasa? Kasinungalingan ang sabihin na ginawa ko 'yun dahil sinaktan nya si Penelope. Dahil kung nararamdaman ni Pen ang iisipin ko, edi sana alam kong mas masasaktan sya sa pananakit ko kay Gio. Ewan.

"You okay?" Nilingon ko si Lianne na nakatingin sakin habang nag-aayos ng gamit.

"Yes." Sagot ko. Niligpit ko na rin ang mga gamit ko dahil uwian na. 

"Nakahanap na ko ng ka-partner. Maguusap kami ngayon, hindi ako makakasabay." Sabi niya sakin.

"It's okay. Partner kami ni Nate at naisipan namin na sa facebook na lang mag-usap?" Natatawa kong sabi. 

"Maarte ka-partner ko." Bulong niya sabay kindat sakin. Bineso ko sya at nagpaalam na mauuna na kong umuwi. 

"Uwi na ko. Ingat ka mamaya." Sabi ko. Tumango sya at nagmadali ng pumunta sa partner nyang nerd at mukhang naiinip na sa paghihintay sakanya. 

Lumabas na ko sa classroom para makauwi na. Paano nga ba namin gagawin ang assignment namin? Tsk. Ugh. Sir Dagal. Sir Dagal. Bakit mo kami pinapahirapan?

"Russel?" Tawag ko sakanya dahil nakasandal siya sa may gate ng school at parang may hinihintay. Lumingon siya sakin at ngumiti.

"Hyacinth." Sabi niya. 

"Kakausapin daw ni Lianne 'yung ka-partner niya kaya hindi kami sabay ngayon." Explain ko sakanya dahil baka akala niya sabay kami ni Lianne ngayon.

"I know. Sinabi niya sakin na 'di kayo magsasabay ngayon." Kumunot 'yung noo ko dahil sa sinabi niya. 

Tumango na lang ako at tinalikuran sya. Hindi ko na tatanungin kung anong ginagawa nya doon dahil hindi ako interesado--

"Ikaw ang hinihintay ko, Hyacinth."

Love Is A BitchWhere stories live. Discover now