Napailing ako sa sarili kong thoughts. Stop it. You’re overthinking again.
“Itó, kain na kayo . Luto na ang ulam. Ako na magpapakain sa cute na batang ‘to,” sabi ni Manang sabay kuha kay Zac.
“Thanks po, Manang,” sabi ko at nagsimula na akong kumain.
“Ate, may gusto po akong bibilhin na sapatos. Pwede po dagdagan mo pera ko, pleaseee?”
Here we go again. Hindi pa nga ako nakakalahati sa pagkain, parang busog na ako sa gastos.
“Magkano ba?” tanong ko.
“3k po ate,” sagot niya habang naka-focus pa rin sa cellphone niya.
“What? 3k?!” In my head, I could already hear my wallet crying. Pero sige na nga. I can’t say no to her. Weakness ko talaga silang lahat.
“Sige. Mamaya, punta ka sa kwarto ko. Bibigay ko na lang doon, ‘di ko dala card ko ngayon.”
“Yey! Thanks ate!”
Hindi ko alam sa kapatid kong ‘to. Kapag para sa sarili niya, gastos dito, gastos doon. Pero kapag para kay Zac, sobrang tipid. Buti na lang may trabaho ako ako na lang bumibili ng mga kailangan ng baby niya.
Hayts, Alexa talaga…
___
Pagkatapos ng hapunan, lahat ay nag-umpisa nang magpahinga. Si Manang nagliligpit ng mga plato, si Alexa busy pa rin sa phone niya habang naka-upo sa sofa, at si baby Zac naman ay mahimbing nang natutulog sa kandungan ko.
Tahimik ang buong bahay, tanging tunog lang ng wall clock ang maririnig. Tick... tick... tick.
I gently brushed Zac’s hair with my fingers — sobrang lambot ng buhok niya, parang bulak. I smiled unconsciously. “Ang bait mo talaga, baby,” mahina kong bulong.
Pero sa loob-loob ko, may kung anong kirot.
Sometimes, I envy my sister. She may have gone through pain, pero at least she has something someone to hold on to.
Ako? I have my job, my room, my routines... but when night comes, I have no one waiting for me. Just silence.
Tumayo na ako para ibalik si baby sa kwarto nila . Pagdating ko agad sa kwarto nila nilagay ko agad ito sa crib.
Finally taking her eyes off her phone. “Sorry ah, medyo stress lang sa work lately.” Sabi niya nabigla ako dahil kala ko hindi siya sumunod sakin
“Okay lang, naiintindihan ko,” sagot ko habang lumalabas ng kwarto. Pero to be honest, I wish she would look up at me more often.Hindi lang ‘yong parang obligation lang ako sa bahay.
Paglabas ko, dumiretso ako sa veranda. Gusto ko lang ng hangin.
The night breeze was cold typical Manila evening, tahimik pero puno ng mga ilaw mula sa malalayong bahay.Sometimes, peace feels heavy.
Habang nakatayo ako doon, naramdaman ko ‘yong cellphone ko nag-vibrate sa bulsa. Unknown number.
“Hello?”
Walang sumagot.
“Hello?” ulit ko, pero puro hangin lang naririnig ko.I frowned. “Who’s this?”Then, a faint male voice whispered from the other line, low and rough
“Xia… ikaw pa rin ba ‘yan?”
Napatigil ako. Parang tumigil ang mundo sa loob ng ilang segundo.
That voice - it was familiar. Matagal ko na siyang hindi naririnig, pero kahit isang dekada pa siguro, hindi ko makakalimutan ‘yon.
My heart started pounding hard.
“W-who is this?” tanong ko, kahit alam kong may kutob na ako.Pero bago pa ako makasagot, click. Tumigil na ang tawag.
Napakapit ako sa railing. My hands were cold.
It can’t be him. It can’t.
YOU ARE READING
Write The Own Path
Short Story"Write Your Own Path"As secrets unravel, forced to confront her family's darkest truths, a hidden identity that could cost her everything, and a spiral of mental What Ziaryl Xai Xaiterion doesn't know is that her pain is only the beginning. battl...
SECOND
Start from the beginning
