Ziaryl Xai Xaiterion POV
“Hmmm…”
Nagising ako sa alarm ko na walang tigil sa pag-ingay hangga’t hindi ako nagigising. Bago ako bumangon, tiningnan ko muna ang orasan 4:50 p.m. Uwian ng mga nagtatrabaho at mga estudyante. Kaya pala maingay.
“Ate, gising ka na po... Ate… ateee, gising na po! It’s 4:50 p.m. na po! Naka-uwi na lang ako galing work, hindi ka pa rin gising! Hinahanap ka na ni Baby Zac po!” And there it is my personal alarm clock. Sino ba namang hindi magigising sa ganitong kaingay?
“Oo na, babangon na. Una ka na, susunod na lang ako,” sabi ko, just to make her leave the room. Kasi hangga’t hindi niya naririnig boses ko, hindi talaga siya titigil.
“Hehe, good naman po ate,” sagot niya, with matching giggles. What a way to wake up. I swear, kahit 23 years old na ’tong kapatid ko, clingy pa rin. Buti na lang cute ang anak niya si Zac, super kulit at parang mini version niya.
Me and Alexa are sisters she’s 23, I’m 25. Two-year gap lang. And yes, may iba pa kaming mga kapatid at tatlo sila ,but most of them already have their own lives .We’re okay naman, or at least, we look like we are. Pero minsan, I can’t help but feel something’s... off.
Alexa has a son Zacarion Zale Xaiterion. She didn’t use the father’s surname kasi, well… they’re not together. Iniwan siya ng lalaki nung nalaman niyang buntis siya. Coward. Kung nando’n lang ako that time, sinapok ko na talaga yung lalaking yun. But I wasn’t. I was in the hospital back then… and yeah, that’s another story.
Bumaba ako ng hagdan habang naririnig ko ang tawanan nila sa sala. The sound of Baby Zac’s laughter filled the air so innocent, so pure. Pagdating ko sa kusina, bumungad agad sa akin ang mabangong pagkain na niluto ni Manang. Hmmm, heaven.
“Good afternoon po, ma’am,” bati ng isa naming kasambahay habang binabantayan si Zac.
“Good afternoon din, Manang,” sagot ko.
“Manang, si Alexa po? Bakit ikaw ang nagbabantay kay Zac?” tanong ko habang binubuhat ko si baby.“Ayy ma’am, ‘di ko alam po,” sagot niya habang nagliligpit ng mga laruan sa sahig.
Tumango na lang ako.
“Baka nasa kwarto niya lang, iha. Naliligo siguro, alam mo naman galing work ‘yung bata na ‘yon,” sabi ni Manang Meij.
“Sige po, Manang,” sagot ko habang naglalaro kay Zac.
Si Manang Meij ang mayordoma namin. Pero hindi lang basta kasambahay she’s more like a mother figure to us. She’s been here since forever. Kasi sina Mommy at Daddy, palaging wala. Pag-umaga, alis agad. Uwi naman bandang 6 p.m. Kaya kung wala si Manang, ewan ko na lang.
“Ateeee! Ateee! Saan ka?!”
Napalingon ako sa hagdan. Putik talaga ‘tong batang ‘to. Para bang mawawala ako kung hindi siya sisigaw.
“Oh, ayan na, Zia. Pababa na ‘yung hinahanap mo,” sabi ni Manang sabay tawa.
“Nandito kami sa kusina, Alex! At bakit ba palagi kang sigaw nang sigaw? Hindi naman ako mawawala!” sigaw ko rin.
“Hindi daw nawawala, eh palagi ka namang nawawala tuwing umaga! Hehe, sorry na po, miss lang kita!” sagot niya habang pababa.
“Anong nawawala? Natutulog lang ako no, alam mo namang pang-gabi work ko,” sagot ko sabay irap.
“Eh, work daw…” she teased, rolling her eyes. Ang kulit talaga. Hindi ko na siya pinansin at nag-focus na lang ako sa paglalaro kay Zac.
God, this kid is adorable. His dark brown eyes, his soft giggle, and that little hair that turns lighter brown under the sun he’s going to break hearts someday.
Then, a sudden thought crossed my mind.
Kailan kaya ako magkakapamilya? Yung totoo. Yung masaya. Yung buo.The kind that makes you feel loved whole without having to beg for attention. That’s all I’ve ever wished for. A complete family, the kind that doesn’t make you feel like you’re the extra piece that doesn’t belong.
YOU ARE READING
Write The Own Path
Short Story"Write Your Own Path"As secrets unravel, forced to confront her family's darkest truths, a hidden identity that could cost her everything, and a spiral of mental What Ziaryl Xai Xaiterion doesn't know is that her pain is only the beginning. battl...
