MBH:7 { How can i UN love you}

4.1K 134 8
                                    

Opps.. Takenote: Salamat sa inyo, sa Pagtangkilik..


''How Can i unlove you?'' Ulit ko sa sinabi ni Toni G, sa kaniyang Palabas.


Ng batukan ako ni Crade na ngayon, ay nakikikain na din sa Popcorn na kinakain ko. kaya naman naitulak ko ito.


'' Aray naman, Hoy babae sobra ka na ha.'' sabi naman nito, pero tinitigan ko lang ito.


'' Nek nek mo, Crade,.'' pang-aasar na sabi ko dito. pero ito ay seryosong tumingin lang sa Pinapanood ko. '' Pssh. bakit kayong mga Babae? ang hilig manood sa Drama na iyan.'' sabi naman nito, habang pinapapak ang Popcorn ko, napatingin naman ako dito, Ugali na kasi namin manood ni Brixx Every Sunday kaya nandito ako sa kanila, but too Bad dahil tulog na ito.



'' Eh kasi, It's Romantic.'' sabi ko naman dito,


'' Anong Romantic diyan? eh puro kabaliwan lang iyan, sino ba namang Tanga ang Aalis ng walang dahilan?, Para sa akin lang ha. hindi iyan makatotohanan.'' sabi naman nito, kaya naman sinagot ko siya.


'' Eh ano ang Makakatohanan? yung Pambubully sa bawat babaeng napagtritripan mo?, alam mo ikaw Crade ka, pag nakahanap ka ng babaeng katapat mo, Yari ka!.'' sabi ko naman dito, pero umismid lang ito. at mayabang na Umupo ng maayos, kaya naman tiningnan ko ito. Bago kinausap.


'' Crade, Nagmahal ka na ba?.'' sabi ko naman dito, napalingon naman ito sa akin, well Crade face is super amo, while Brixx is more serious. ewan ko ba sa kambal na iyan. although mas masculine si Crade kesa kay Brixx, pero di mo matatangi na kambal talaga sila.


'' Hey. Wag mo akong pagpantasyahan Margauxx, hindi ako si Brixx.'' sabi naman nito, kaya nabato ko siya, pero sinalo niya lang iyon.



" Ano bang mga Pinagsasabi mo?'' sabi ko dito.


'' Sus. Cmon Margauxx Girl, Im not Brixx hindi ako manhid, at lalong hindi ako Tanga, alam ko kung ano siya sayo.'' sabi nito.



'' Mga pinagsasabi mo diyan." nauutal na sabi ko dito.


Tumaas lang ang kilay nito sa akin.



'' Buko ka na Girl.'' sabi pa nio. Shit this Man, umiral na naman ang Pagka baliw.


'' Tama ba ako, Margauxx? Mahal mo siya hindi ba?'' ulit niya sa sinabi niya.


'' Hi-Hindi ah,'' tanggi ko naman.



'' Hindi? seryoso ka? kumulot man ang buhok mo?'' sabi niya pa ulit.



'' Oo naman, wag mong idadamay ang buhok ko!'' sabi ko pa. pero ngumiti pa ito. bago ulit nag- salita.

My BESTFRIEND'S heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon