The first thing I noticed when I woke up this morning was… mali. Hindi ko ma pinpoint agad kung ano, pero ramdam ko na.
Pagmulat ko ng mata, I stretched, yawned, then looked at my hand. That’s when I saw it.
Sa pinky finger ko mismo may nakatali na red string.
Hindi lang basta ordinaryong sinulid, ha. It was glowing faintly, parang manipis na liwanag na humahabol sa bawat galaw ng kamay ko. At first, akala ko tulog pa ako. Kasi, hello? Hindi ba ito yung mga napapanood ko lang sa K-dramas at anime?
I rubbed my eyes. Tiningnan ko ulit. Nope. Nandon pa rin.
“Okay, Atasha Bree Edison, either baliw ka na… or may sumumpa sayo habang natutulog ka,” bulong ko.
I tried pulling it off. Hinila ko. Sinabunutan ko. Heck, kinagat ko pa. Gross, I know but the string didn’t budge. Para bang nakadikit siya sa balat ko mismo. The more I tugged, mas humihigpit siya.
“Wow, high quality thread. Pang department store siguro,” I whispered sarcastically, kahit halatang kinakabahan na ako.
What’s worse, hindi lang siya basta tali. Umaabot siya palabas ng kwarto ko, dumadaan sa pintuan, parang may direksyon siyang sinusundan. Hindi siya basta random na loop. May pinupuntahan siya.
Napahawak ako sa ulo. “Seryoso? First day of college tapos may ganito agad? Ang aga naman ng plot twist.”
While brushing my teeth, hindi ko maiwasang tumingin sa string sa reflection ng salamin. Ang daming tumatakbo sa isip ko.
“Ano to? Soulmate thingy? O prank ng multo? Baka si kuya nilagyan ako ng ribbon para ma prank ako. Pero glowing eh! Unless bumili siya ng glow in the dark thread sa Shopee? Pero bakit glowing kahit daylight?”
Napabuntong hininga ako. My face looked like a mess. Eyebags, messy hair, pero ang pinaka out of place talaga ay itong pulang string.
“Fine. Kung ayaw mong matanggal, edi huwag. Pero please, wag ka magpakita sa iba, nakakahiya.”
Sa jeep, sobrang conscious ko. Akala ko makikita ng ibang tao, pero hindi. Ako lang ang nakaka perceive nito. Yung katabi kong lalaki, tulog na may laway pa, hindi man lang nag react. Yung isang girl na nagti TikTok, wala ring pake.
So ibig sabihin… ako lang ang nakakakita.
Great. I’m officially crazy.
Pagdating ko sa campus, mas lalo akong na overwhelm. Ang daming estudyante. May mga nagpa picture sa gate, may umiiyak kasi naiwan daw modules niya, may naglalakad na parang catwalk kasi bagong bag. Ako? Naglalakad na parang zombie, hawak yung strap ng bag, tapos nakatitig sa string na parang stalker.
“New chapter of my life,” I whispered with fake enthusiasm. “With a new accessory. Sana man lang bracelet or ring, hindi string.”
Pagpasok ko sa classroom, I immediately looked for a seat. Ayoko sa pinakadulo kasi parang masyadong hidden. Ayoko rin sa unahan kasi baka maging instant recitation victim. Kaya I chose the second row. Safe zone.
Pero bago ako makaupo nang maayos, napansin kong yung string biglang kumunot.
Nag tighten siya.
As if sinasabing “Stop. Dito lang.”
My heart skipped a beat. Slowly, sinundan ko ng tingin kung saan siya nakaturo.
And that’s when I saw him.
A boy.
Naka upo siya ilang chairs away from me. Dark hair, sharp features, chill posture. He was scribbling something sa notebook niya, walang pake sa paligid. Parang normal na tao lang.
Pero hindi normal para sakin.
Kasi yung red string sa pinky ko… nakatali rin sa pinky niya.
Literal na kumabog puso ko. Napabulong ako “WHAT THE—?!”
Agad kong tinakpan ang bibig ko. Buti walang nakarinig, or maybe they pretended not to.
Pero ako? My brain was screaming.
Then the professor came in. Introductions started. I barely heard anything. Para akong naka mute sa lahat ng bagay except sa string.
“Bakit siya?” I thought. “Out of all people sa buong mundo, bakit itong stranger na to? Hindi ko nga alam pangalan niya!”
Lalo akong nainis kasi wala man lang cinematic moment. Hindi kami nagbanggaan sa hallway, hindi kami nagkapalit ng papel, walang background music. Bigla lang akong tinali sa isang random boy.
Universe, you’re lazy.
Break time came. Students started chatting. Ako? Kunwari busy sa phone, pero secretly, pinapanood ko yung string.
Narinig ko yung usapan ng mga girls sa likod.
“Ay, siya pala si Austin Jaye Perez. Transfer student daw. Medyo tahimik pero ang cute, noh?”
So ayun. His name is Austin.
I risked a glance. He was talking to a classmate, may half smile, pero kita ko yung vibe niya, medyo reserved, parang hindi fully open sa iba.
Then, out of nowhere, tumingin siya sa direksyon ko.
Our eyes met.
My heart did a somersault.
I panicked, so I pretended na may hinahanap ako sa bag.
“Wow, Atasha. Smooth. Very smooth. Tinalian ka na nga, nagmumukha ka pang stalker.”
The rest of the day, hindi ako mapakali. Every time gagalaw si Austin, gagalaw din yung string. Every time aalis siya ng konti, parang may humihila sa daliri ko.
At one point, he stood up to throw something sa trash bin. Napansin ko ring sumama yung string, stretching between us. Parang invisible leash. Nakakainis, pero nakaka curious din.
After class, I thought "Okay. Sundan ko na lang kaya after? Baka ito yung point ng lahat ng to. Baka may sagot kapag sinundan ko kung saan siya pupunta."
Pero bago pa ako makapag decide, narinig ko yung seatmate ko.
“Uy, Atasha diba? First day na first day, parang stressed ka na agad. Okay ka lang?”
Napangiti ako ng pilit. “Haha, oo… medyo.”
Kung alam mo lang, girl.
Pauwi na ako, naglalakad sa sidewalk habang tinatago yung kamay ko sa bulsa. Still, ramdam ko yung presence g string, na para bang sinasabi
“You can’t run from this.”
Napatingin ako sa langit.
“Universe, ano bang trip mo? First day pa lang may ganito na? Hindi ba dapat orientation week muna bago mga destiny-destiny?”
Wala namang sumagot, syempre.
Pero habang hinahawakan ko yung string, deep down I knew, this wasn’t a prank. This wasn’t even a joke.
This was fate.
And somehow, it scared me.
YOU ARE READING
Red String
General FictionOne morning, Atasha wakes up with a mysterious red string tied to her finger-leading her to Austin, her new classmate. But fate is never simple, especially when his heart seems to belong to someone else. Red String is a bittersweet tale of destiny...
