"Sure! I... actually set up a meeting so we can talk about your unit. It's set with your personal assistant. You can ask him," ngumiti ako at bumaling ulit sa hinanda kong presentation.

"Did you contact the companies of the furniture you used in your designs?" tanong ni Logan.

"Yes... Hmmm. I'm also waiting for your approval bago ko sila kokontakin muli para ma finalize ang lahat."

"Design number sixteen is for teenagers. It's too pink. Hindi ba ay nag usap na tayo tungkol rito noon?" Nagtaas ng kilay si Logan.

Napupuno na ako sa kanya. Pagkarating ko pa lang dito ay binabara niya na ako. Bakit pa niya kailangang gawin ito sa akin?

"Some girls like that. I would personally think about that when I choose the design of my home. It's just one of the seventy designs you want. Two girly and childish designs won't hurt all the units. At kapag nalaunch na iyan, pwede namang humabol ng designs, hindi ba? I just did all the fifty for the launching," sabi ko.

Umikot ang mundo ko kaya pumikit ako ng mariin ng ilang sandali.

"Our clients are classy and most of the time older than you, Portia. We need to think about our clients."

Dumilat ako. "I am thinking about your clients. I am thinking about the possibilities of having a girly teenager, daughter of some tycoon, and she will need to deal with the only design I have for her. Kaya ginawa kong dalawa to at least give her some options..."

Nanlamig ang kamay ko. Umiikot na naman ang mundo ko. Hindi ko na mapirmi ang mga mata ko. Dammit, not here and not now! I have some work to do!

"Fine," ani Logan. "Magpatuloy ka..."

Nakaupo lamang ako nang ni run through ang singkwentang bagong disenyo na ginawa ko. Sinabi ko sino ang mga manufacturer ng furniture, saan ako kukuha ng materyales at bakit iyon ang napili kong disenyo sa iba't ibang laki ng mga unit.

Ubos ang enerhiya ko pagkatapos kong iexplain ang lahat ng iyon sa loob ng tatlong oras. Maya't maya ang tanong ni Logan at lagi siyang nambabara sa akin. Kagulat gulat na nagagawa ko pa siyang sagutin kahit na sobra akong nahihilo.

Nang pinalakpakan na ako ay tumayo ako. Sinarado lamang ni Logan ang clearbook, hindi siya tumingin sa akin.

Nakipagkamayan ako sa maligayang mga kliyente at businessmen na naroon. At dahil last meeting na ito, mag pipresent din ang dalawa pang designer at iyong architect mismo. Tumayo ang architect para pumalit sa akin.

Pinagpapawisan na ako ng malamig at inaapoy na ako ng lagnat. Nagligpit ako ng gamit at umupo na sa likod nang umikot ang paningin ko at tuluyan nang bumagsak.

Unti unti lamang akong dumilat sa isang pamilyar na lugar. Maputi ang kisame at may amoy na pamilyar sa akin. I stayed in a hospital for weeks because I got shot. I stayed in a hospital for a week nang pinanganak ko si Beau. Hindi ko na kailangang igala ang mga mata ko para malamang nasa ospital ako.

"Don't move too much..." baritonong boses ni Logan ang narinig ko.

Shit! Ang huling naaalala ko ay nahihilo ako. Siya ba ang nagdala sa akin sa ospital na ito?

Hinanap ko siya at nakita kong nakatayo siya sa aking paanan. Puting longsleeve na naka tupi hanggang siko na lang ang suot niya. Hindi tulad noong nasa conference room kami na black suit.

Bumangon ako kahit na sobrang sakit parin ng ulo ko.

"I said, don't move. Napaka tigas talaga ng ulo mo..." aniya.

Nagtiim bagang ako sa kanyang sinabi. "Ilang oras na ako dito? I have to go to some companies to confirm the furniture." Sinapo ng aking palad ang aking ulo.

Give In To You (GLS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon